Skip to main content

Tips Para Maging Happy Kahit Sad Ka



Habang tumatanda tayo, humihirap ang lahat at nagiging responsable sa araw-araw na buhay. Ang ilang responsibilidad na ito ay nagiging problema sa atin, nalulungkot at nade-depressed.
7 Ways To Be Happy During Sad Times
Kung minsan, napapagod tayo. Heto ang tips para maging happy kahit sad ka, para ma-overcome ang feeling na ganito:

  1. Tandaan na ang pangarap ay nangyayari kapag ating pinilit na abutin at pangarapin. Isa lang ang buhay at makukuha lang ang buhay na ganyan kapag nagawa natin ang pinakamabuti. Kapag nag-iisa ka sa bahay, nakaupo sa sofa, tumayo, mag shower at isuot ang pinaka-komportable at paboritong damit, pati ang sapatos na gusto, mag-lipstick, magpaganda. At kapag feeling mong maganda ka na, gagaan na ang lahat.
  2. Magpaayos ng buhok, magpa-manicure, maglagay ng pabango at sumama sa mga taong masasaya. Tumingin sa diyaryo kung ano ang magandang palabas sa sine at manood ka. Kung walang pera, umarkila ng DVD movie.
  3. Ang susunod na gagawin ay tawagan ang mga kaibigan, imbitahi sila na magmeryenda, mag-usap kayo. Sa buhay natin ngayon na maigsi lamang, walang puwang ang pagkanegatibo at magpabaya sa sarili.
  4. Magpaganda at pagaanin ang lahat ng bagay.
  5. Isa lang ang buhay, magsaya, anuman ang problema.
  6. Huwag ipaalam sa iba na malungkot ka, lagi kang magkunwari na masaya.
  7. Anuman ang nangyari sa nakaraan, tapos na iyon, harapin na ang bagong bukas. source: Bulgar

Bookmark and Share


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Dust Removal: Tips Para Maalis Ang Mga Alikabok Sa Bahay

Problema mo ba ang mga alikabok sa iyong bahay? Huwag nang mag-alala katoto sapagkat heto na ang ilan sa mga paraan upang hindi bahayan ng alikabok ang bahay mo. 1. Kailangan mo ng isang magandang pamunas. Mas maiging gumamit ng mga micro fiber cloth kaysa sa mga feather duster . Mas nakakakuha kasi ito ng mga alikabok na talaga namang nakapagpapaalis ng dumi. Mas matagal din ang panahon na tinatagal nito kaysa sa huli. 2. Sa itaas ka muna magsimulang maglinis. Mas maparaan at hindi ubos oras kung magsisimula kang mag-alis ng alikabok sa itaas na bahagi ng kahit anong gamit mo sa bahay tulad ng lampara,cabinet,bintana atbp. Hindi na magiging paulit-ulit pa ang pag-imis mo kung ganito ang paraan mo dahil wala nang malalaglag pa na alikabok mula sa itaas pababa. 3. Gumamit ka ng dryer sheets kung magpupunas ka sa loob na bahagi ng washing machine , sa ganitong paraan matatangal mo lahat ng dumi na naiwan mo mula sa iyong paglalabada. 4. Para sa iyong mga furniture , mas ...