Skip to main content

May Epekto Ba Ang Job Stress Sa Puso? (Heart Health)



Job Stress. Ang labis na pagtatrabaho ay nagdudulot ng sobrang pagod at stress. May ilan sa atin na kung tawagin ay workaholic ay nakararanas ng ganito sa araw-araw nilang pagtatrabaho. Babala! Sapagkat ito ay may masamang balik sa inyong kalusugan lalo na sa iyong puso. Ito ay may negatibong epekto sa kalagayan ng ating cardiovascular health. Kailangang alamin mo ang senyales ng stress at maging aware ka dito.
Job Stress Can Cause Serious Heart Problem
Idagdag pa rito, alam ninyo bang base sa pag-aaral na ang mga lalaking lugmok sa stress ay mas madaling mamatay kaysa sa mga babae? Sa mga babae naman, 67 porsyento ng mga kababaihan na pressure sa kanilang trabaho ay high risk sa heart attack, iyong 38 porsyento naman ay nakararanas ng stroke o alta-presyon- ito ay ayon sa ulat ng My Health News Daily. Napakalaki ng panganib na ito kumpara sa mga babaeng walang nararanasang job stress.

Ang stress na tinutukoy natin rito ay iyung stress na hindi na kinakaya ng katawan o wala ng kapasidad ang katawan para labanan ito- ito ay ayon sa researcher na si Dr. Michelle Albert-Brigham and Women’s Hospital, Boston.

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay pinalakas pa ng mga nauna ng pagsasaliksik na may kinalaman ang stress sa trabaho sa mga mahahalagang implikasyon sa ating kalusugan.

Sa pag-aaral na isinagawa, gumamit ang mga tagapagsaliksik ng datus mula sa Women Health Study, na may kinalaman sa 22,000 na mga babae na nakapagtrabaho na ng higit sa 10 taon sa larangang ng kalusugan.

Ang resulta ay nagpakita na kahit ang mga babae ay mas may control sa pressure ng trabaho ay may panganib pa rin na sila ay magkaroon ng heart problem. Ito ay taliwas sa ibang pag-aaral na kapag marunong kang mag-kontrol ng pressure sa trabaho ay mapapababa mo ang antas ng stress na iyong nararanasan. 

Idinagdag pa ng katoto nating si Dr. Albert na iyong mga taong may matataas na katungkulan sa trabaho tulad ng mga manager at executive ay mas nakararanas ng matinding pressure sa trabaho at ito ang dahilan para maapektuhan ang kanilang puso at iba pang body organs.

Ikaw ba ay workaholic at nakararanas ng labis na stress sa iyong trabaho? Ang kaalaman na ito ay isang paalala sa iyo na higit sa lahat ang kalusugan ay mas importante kaysa sa kayamanang hatid ng iyong pagtatrabaho. Alagaan po natin ang ating kalusugan katoto. I-share at i-like ang kaalamang ito para hindi mo makalimutan ang paalalang ito sa iyo.
Source: medicmagicdotnet 


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...