Skip to main content

Student- Tips Para On Time Sa Pagpasa Ng Assignment



Mayroon ka bang assignment o project na dapat ipasa sa takdang oras? Here are the good approaches on how to deal with it. Tips para ma-i-pasa mo on time ang iyong takdang-aralin:
How To Finish Your Assignment On Time
Check the deadlines and note it in your calendar. Ang assignment na walang deadline ay madalas na problema, kaya dapat ay magtakda ng deadline. 

Be aware on the events that may happen before the deadline. Imadyinin kung ano ang magiging hitsura ng mundo sa petsang iyon na totoong pinahihirapan ka sa gagawin mo. Ano ang magiging klima at ano ang mga bagay na nabago? Huwag pabayaan ang mga pagbabagong yan ay lumampas nang hindi natatapos ang ginagawa o ang assignment. 

Learn to calculate the time you need to spent. Maging maalam sa pagkalkula kung gaano karaming oras ang mabubuno mo sa paggawa ng assignment.

Decide efficiently. Pagpasyahan bago matulog kada gabi kung gaano karaming oras ang ilalaan kinabukasan sa assignment. 

Remind yourself. Paalalahanan ang sarili tuwing gigising sa mga oras na ito na iyong inilaan.

No time for gimmicks. Sabihin sa sarili na hindi ka muna puwedeng maglakwatsa hangga't hindi mo pa natutupad ang itinakdang assignment.

Reward yourself. Bigyan ng gantimpala ang iyong sarili kapag nakatapos ng isang gawaing bagay na nakakuntento para sa iyo. Ang reward na ito ay susi na magkaroon ng positibong insentibo sa dakong huli.

Call the student services. Huwag mag-alinlangan na tawagan ang student services office. Marami riyang well-trained na tao na makatutulong sa iyo.

Don't think of the long hours you'll need to spent to finish your assignment. Kung mahaba ang assignment, unahin muna ang pinakamadali at maliit na gagawin hanggang sa palaki at pahirap nang pahirap ang ginagawa. Hindi ba, sa maliit at paunti-unting hakbang lamang tayo nagsipagmula?

Use your unique style. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang estilo. Gawin ito sa anumang paraan na uubra para sa iyo. Halimbawa, kung ang proseso ay parang  hindi talaga mapipilit tapusin ng gabing iyon, ipetsa na lang sa kalendaryo kung kailan mo uli ito gagawin.

Think that you are not alone. Hindi ka nag-iisa, marami ang nagpapabukas pa ng kanyang gagawin kahit kailangan ng tapusin. 

Don't panic. Kung baka sakaling lumagpas ka ng isa o dalawang araw, maaga pa naman kung wala pang deadline. Huminga ng malalim at muling hikayatin ang sarili na gawin itong muli sa susunod na araw.
source: Bulgar credits to: Nympha Miano Ang


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...