Skip to main content

Paano Makakaiwas Manakawan Ang Tourist Abroad?



First time mo bang mag-travel abroad bilang isang turista? Maganda iyan, karagdagan iyan sa experience mo at ito ay magiging bahagi na ng iyong alaala. Kaya naman, dapat ay maging memorable ito sa iyo. Ngunit hindi maiiwasan na may mga lugar kung saan maraming krimen ang nagaganap tulad ng pagnanakaw. Kaya naman, naisip naming ibahagi ang tips na ito sa inyo mga katoto para makaiwas kayo na manakawan habang kayo ay nagtuturista abroad.
Tips For Tourist When They Travel Abroad
Learn to investigate. Bago ka magsimulang magbiyahe o mangibang-bansa, imbestigahang mabuti ang mga lugar na peligroso sa bansang pupuntahan. Iwasan ang mga lugar na mababatid mong delikadong puntahan at mataas ang antas ng krimen.

Learn where to put your important belongings. Kung bibiyahe sakay ng bus o maglalakad, ilagay ang mga mahahalagang bagay sa isang pouch na nakasilid sa loob ng iyong damit o loob ng jacket. Kailangang nakatago ito parati na hindi ka nakikita ng mga magnanakaw para hindi ka mapag-isipang biktimahin.

Stay calm. Kung mapapadaan ka sa lugar na medyo delikado, tiyakin na hindi mo ipakikitang natatakot o ninenerbiyos ka dahil higit na lalakas ang loob ng mga kriminal sa akto mo. Bilisan mo na makalayo sa lugar kung maaari hangga’t may ligtas na lugar kang malulusutan.

Don’t bring jewelries or expensive gadgets if not necessary. Tiyaking hindi ka magdadala ng anumang hindi kailangang mga gamit habang nasa biyahe o iyong kaakit-akit na agawin sa iyo. Huwag ka ring aarte o pupustura na akala mo ay mayaman na kuntodo alahas ka pa at kumikinang. Kailangang simple ka lang sa lahat mula sa pananamit hanggang sa mga bag at sapatos mo. Huwag gagamit ng mamahaling mga bagay sa katawan.

Don’t show your money. Huwag na huwag dudukot ng malaking halaga o magpapakita ng maraming pera habang nasa kalye o ang maglabas ng mga mahahalagang kagamitan tulad ng video camera. Laging isilid sa harap ng katawan ang mahahalagang gamit tulad ng wallet at cellphone at huwag iwanan ang bag kung saan-saan nang walang bantay.
Source: bulgar credits to: Nympha Miano Ang


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...