Skip to main content

Side Effects Ng Artificial Tanning



Kung ang ilan sa atin ay nais magkaroon ng maputing balat ay mayroon din namang mapuputi ang nais na maging tan. Those are the people who enjoy sun bathing o pumupunta sa kanilang dermatologist para magpa-artificial tanning. Ikaw balak mo ba? Mag-isip muna o basahin mo ito para malaman mo kung may side effects ang artificial tanning. 
Artificial Tanning - Side Effects
The artificial tanning is a new concept that black is beautiful kung saan anuman ang gawing bihis o ayos ay may natural silang kagandahan  hindi tulad ng iba na 'pag nawala ang kaputian ay nawawala ang ganda. Higit na mataas daw ang sex appeal at kaakit-akit sa paningin ng maraming kalalakihan lalo na sa mga dayuhan dahil outstanding ang beauty at charm ng mga babaeng maganda ang pagkamorena o pagka-itim. Mangyaring experimental at maganda silang magdala ng anumang kulay ng damit o gamit- na confident niyang nadadala at nae-express ang sarili halimbawa, sa mga beauty pageant. Sa pamamagitan ng matindi nilang kagustuhan na ma-achieve ang gustong kulay na maging maputi, maitim o kayumanggi at mamula-mula ay nagiging inspired na subukan ang iba't-ibang bagay, gumastos at sumugal na subukan ang ilang makabagong paraan. 

According to research, ang mga teenager na nagpapa-artificial tanning ay nakakaranas ng iba't ibang side effects. Dagdag pa na mas marami ang mga babae kaysa sa lalaki ang nakararanas nito sapagkat ang mas madalas na conscious sa kanilang balat ay ang mga babae. At dahil bata pa ang balat ng teenager ay wala pa silang sapat na proteksiyon laban sa pag-steam sa balat na nagge-gain ng sakit na cancer. Sa kabila ng pagkakaroon ng permiso ng mga teenager na sumailalim dito inaasahan na magre-require na rin sila ng approval ng korte base sa isinulong na batas kaugnay nito. Ilan sa mga magkakaroon ng pagba-ban sa indoor teen tanning ay ang New York,California,Vermont at Chicago na i-pu-push daw nila para magkaroon  ng widespread banning nito para sa mga teenager.

Mangyari na hindi lamang peligro sa kalusugan at premature skin aging ang dulot ng ultraviolet radiation sa mga tanning bed o booth kahit ang mga kemikal sa mga tanning lotion ay sinasabi ring may direktang epekto sa ating utak base sa additional na research ng Food and Drug Administration. Sa isinagawang pag-aaral, 58 porsyento na ang kalidad at abilidad na magfunction o magamit ng tama ang IQ ng mga babae kumpara sa mga lalaki na nasa 70 porsyento sa isinagawang practical at written test. Dito natukoy din na majority ng mga  babaeng ito ay mga regular na user ng sunbed at tanning booth gawa ng modernity at trend na sinusubaybayan at isinasagawa ng mga babae.

source: Bulgar credits to: Icee Reen Labareno


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...