Skip to main content

Mga Pagkain at Inumin Na Pampa-flat ng Tiyan (Flat Belly Diet)



NEW! 2/25/2018 - Day 1 ng aking Fitness Journey. Sa aking weight loss journey na ito ay ipapakita ko sa inyo ang aking pagsusumikap na pumayat. Susubukan ko ang iba't-ibang klase ng diet hanggang sa malaman ko ang tamang dyeta na aangkop sa aking pangangatawan. Ang vlog na ito ay may pagka-comedy pero seryoso ang mensahe ko sa inyo na bigyan natin ang ating mga sarili ng pagkakataon na mamuhay ng nasa tama ang ating pangangatawan at kalusugan. Kung magustuhan ninyo po, ay i-click po ang subscribe button at notification bell upang masubaybayan ninyo ang aking journey. Feel free to comment din po para sa inyong mga suhestiyon at kaalaman na nais ninyong ibahagi tungkol sa pagpapapayat. Ito ay kung tawagin ko ay ang aking #Dietserye. Mapapanood sa aking youtube channel.
Dahil sa paborito ninyo ang topic tungkol sa pampaliit ng tiyan. Heto pa ang ilan sa ating flat belly diet tips lalo na’t sa mga katoto naming chick at bebot na nais maging sexy. Heto ang ilan pa sa mga pagkain at inumin na may taglay na health benefits para maging flat ang iyong tiyan.

Green tea can increase your metabolism. Ang inuming green tea ay nagtataglay ng chemicals na kung tawagin ay polyphenols at catechins na nagpapataas sa metabolism at nakatutulong upang matunaw ang taba.



Apple can help reduce your body fats. Ang mansanas ay isa sa paboritong prutas na nagtataglay ng negatibong calories bukod pa sa masarap nitong lasa at hindi nakadaragdag sa ating taba.

Lazada PhilippinesEggs are a good source of protein. Ang itlog ay mahusay na pagkunan ng protina at nagtataglay din ng essential amino acids na kinakailangan ng katawan mula ng mabuo ang lahat mula sa muscle fibers hanggang sa brain chemicals. Ang pagkonsumo ng itlog sa umaga ay nagpapalayo sa banta ng mabilis na pagkagutom sa buong araw.

Almonds have minerals essential to the body. Nagbibigay ito sa katawan ng mineral na tulad ng magnesium at nagpapabuti din sa ating blood sugar levels. Ang mabuting sugar level ay susi upang makaiwas sa cravings na nagbubunsod sa pagkain ng marami.

Salmon has Omega 3 fatty acids. Maging ang tuna at mackerel na kapwa mahusay na pagkunan ng Omega 3 fatty acids ay nakapagpapabuti sa metabolism at nakatutulong upang malusaw ang taba na maigi rin sa glucose-insulin response ng katawan.

Enjoy the benefit of Spinach-cheese egg scramble to flatten your belly. Mabibigyan ng nutrition makeover ang simpleng itlog mula sa paghalo ng isang dakot ng baby spinach na lulutuin sa olive oil.

Garden veggie omelet is another good recipe for your belly diet. Mainam na paghaluin ang isang buong itlog at dalawa hanggang tatlong puti ng itlog at ng paboritong gulay tulad ng spinach, onion, kamatis, mushroom maging ng talong at ng gustong seasoning. Pwede mo itong i-enjoy kasama ng whole grain toast spread.

Kapag may flat-belly ka na. Tiyak na lalong mahuhumaling ang iyong kasintahan o ang iyong asawa. Wala ng dahilan pa para tumingin pa siya sa iba. Ang mga pagkain na ito bukod sa masarap na ay makatutulong sa iyong flatbelly diet. O ano pang hinihintay mo. Dyeta na. 
source: Bulgar credits to: No Problem ni Ms. Myra



Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...