Skip to main content

Tips Para Di Tamaan Ng HFMD Ang Bata



Ang HFMD (Hand-Foot-Mouth Disease) ay isang viral disease na karaniwang apektado ang mga sanggol at paslit. Nagsisimula ang sintomas ng HFMD sa lagnat, kawalan ng ganang kumain, namamaga ang lalamunan at matapos ang isa o dalawang araw, nagsisimula nang lumabas ang mga butlig sa loob ng bibig, sa dila at lalamunan.

Tips On How To Prevent the Spread of HFMD for Kids
Sintomas
Ang mga carrier ng HFMD virus ay may lumalabas na maraming maliliit na butlig, mga malalaking pantal na mapula sa palad, talampakan at paa maging sa puwitan.

Infection
Humahawa ang impeksyon sa ibang bata mula sa laway o paghahawakan ng kanilang kamay.

Heto ang ilang tips o hakbang para hindi kumalat at makahawa ang HMFD:

  1. Hugasang mabuti ng tubig at sabon ang mga kamay at dalasan ang paghuhugas nito lalo na pagkatapos magbanyo o magpalit ng diaper. Gumamit ng maligamgam na tubig at magsabong mabuti sa loob ng 20 segundo o habang inaawit ang happy birthday ay ganun kahaba dapat ang pagsasabon ng kamay.
  2. Linising mabuti at i-dis-infect ang anumang kagamitan o lugar na nahawakan ng taong impektado ng naturang sakit. Tiyaking mahugasang mabuti ang mga laruan o malabhan ang mga bagay na nalawayan ng bata.
  3. At dahil ang HFMD ay mabilis na makahawa sa eskuwela at daycare, panatilihin na lamang sa bahay ang bata hanggang sa siya ay gumaling.
  4. Palaging i-monitor ang temperatura ng mga bata. Kung may lagnat ang bata ay bigyan agad siya ng gamot sa lagnat para mapababa ang lagnat. Sundin ang direksyon sa botelya ng gamot kung gaano kadalas o karami niya kailangang uminom. Kung may gamot siyang mabilis na humupa ang lagnat ay iyon ang siyang ibigay sa kanya para maging epektibo at mawala agad ang lagnat niya.
  5. Painumin lagi ng tubig ang bata. Kung ang bata ay namamaga ang bibig, pilitin siyang uminom ng maraming tubig. Huwag siyang bigyan ng softdrinks at juices dahil lalong mangangati ang kanyang lalamunan kaya palagi siyang painumin ng tubig o gatas.Mahalaga ang fluids para mamantina ang lusog ng kanyang katawan para mapaglabanan ang impeksyon.
  6. Pamumugin ang bata. Inirerekomenda ng mga doktor ang makalumang paghahalo ng asin sa tubig na mumumugin. Mabisa ang asin para patayin ang mikrobyo at maiwasan ang pamamaga ng lalamunan. Magrereseta rin ang doktor ng produktong tinatawag na magic mouth wash. Wala siyang healing properties , pero kahit paano ay maiiwasan ang pamamaga at pananakit ng lalamunan.
  7. Tiyaking laging malinis ang mga kamay at paa ng bata sa lahat ng oras. Pwede ring pahiran siya ng aloe dahil ito ay natural healing. Kung may aloe plant kayo sa bahay,mabisa yan, pero may mga aloe gel sa health food stores o drugstores.
  8. Gawing komportable ang bata habang nagpapagaling sa bahay. Oras na lumabas ang sintomas, may 5 hanggang 7 araw niyang kailangang gumaling.
Dahil nakakahawa ang iyong anak ay dapat nasa bahay lang siya at malayo sa ibang bata.
  source:Bulgar isinulat ni Nympha Miano Ong





Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...