Skip to main content

Health Condition- Malalaman Sa Mukha



Madalas gamitin natin ang ating mukha para ipaabot sa isang tao ang nais nating iparating. Halimbawa, kung tayo ay irritable sa kanya ay itataas natin ang ating kanan o kaliwang kilay. Gayundin naman kung tayo ay masaya sa isang tao ay ipapakita natin sa kanyang ang matamis nating ngiti. Ito ay kung tawagin ay pagpapadala ng non-verbal signs. Pero alam ninyo bang hindi lang iyan ang gamit ng ating mukha, sapagkat sa pamamagitan nito ay maaari mo ring malaman ang kondisyon ng iyong kalusugan.

Sa katotohan nga ang mga expert sa Traditional Chinese Medicine ay gumagamit na ng kung tawagin ay facial analysis para malaman ang kondisyon ng organ ng isang tao pati na rin ang emotional level ng mga ito. 

Bagamat ayon sa Fox News,wala mang lubos na paliwanag ang siyensya tungkol rito ay maka-gagabay naman ito sa isang tao upang maalagaan niya ang kanyang kalusugan at magkaroon ng healthy lifestyle.

Heto ang ilang mga katotohanan tungkol sa iyong mukha at ang kondisyon ng iyong kalusugan na nais ipahiwatig nito:

Pisngi. Kapag may rashes o taghiyawat ka sa iyong pisngi ay sinasabing ikaw ay kulang sa oxygen kaya’t kinakailangan mong palalimin ang iyong paghinga. Ang pisngi ay may kaugnayan sa iyong respiratory system.

Bibig. May kinalaman naman ang oral health sa ating tiyan. Ang kondisyon ng ating labi ay may pahiwatig sa ating tiyan at kalagayan ng ating bituka. Ang ating panga naman ay may pahiwatig naman sa kondisyon ng ating colon. Kung may makikita kang discoloration sa iyong labi ay senyales ito ng poor digestion tulad ng hirap sa pagdumi, bloating o kawalan ng gana sa pagkain.

Baba. Ang kondisyon naman ng ating baba ay umuugnay sa kalagayan ng ating bato at pantog. Kung kaya naman kapag mayroon hormonal imbalance ay may lilitaw na taghiyawat sa iyong baba, ito ay madalas mangyari sa mga teenager. Sa mga matatanda naman kapag nagkaka-wrinkles naman ang baba ay may paghihirap sa kalagayan ng bato at ikaw ay nasa high-stress level pati.

Noo. Ang kalagayan ay ng ating noo ay tumutukoy sa maraming aspetong pangkalusugan tulad ng puso, bituka (small intestine), at urinary tract. Ang pagdami ng iyong wrinkles sa noo ay indikasyon ng poor detoxification system ng iyong katawan. Kailangan mo naman ng sapat na dami ng fiber para sa iyong digestive tract kapag nakikita mong namumula o nagkakaroon ka ng pangangaliskis sa iyong balat. Kapag pareho mong nakikita ang mga ito sa iyong noo, ay nasa bandang grabeng kondisyon na ang kalagayan ng iyong pantunaw sa katawan.

Kilay. Ang kondisyon ng iyong puso ay maaaring sukatin sa kondisyon ng balat malapit sa dalawa mong kilay. Kung labis ang iyong pag-inom ng alcohol, makakakita ka ng mga senyales gaya ng wrinkles sa paligid ng iyong kilay. Ang mga wrinkles ding itong malapit sa iyong kilay ay indikasyon din na ikaw ay dumaranas ng matinding emotional problem.

Ikaw, alam mo ba ang kondisyon ng iyong kalusugan? Bakit hindi mo subukang humarap sa salamin at tignan sa iyong mukha ang nabanggit para malaman mo kung healthy ka o kailangan mo ng kumonsulta sa doktor.  

Source: medicmagic



Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...