Skip to main content

Car Wash Tips- Kakaibang Paraan Para Linisin Ang Kotse



Ito ang ilang car wash tips at kakaibang paraan para manatiling malinis ang inyong kotse o sasakyan.
Car Wash Tips-  Unique Ways to Clean Your Car
Baby Wipes
Mainam na linisin ang windshield at bintana ng sasakyan gamit ang baby wipes.

Panty-liner
Kapag naubusan ng windshield washing fluid, mainam na gawing pamalit ang feminine hygiene panty-liner. Ang naturang salamin ay tinatayang lilinis ng husto sa oras na pulido itong mapunasan.

Ammonia
Ang isang tasa ng ammonia at isang quart ng tubig ay mainam na paghaluin sa tamang laki ng boteng may takip, saka ito itabi sa loob ng sasakyan. Gamitin ito kahit wala sa bahay sa sandaling mapansin na marumi na ang windshields, i-apply ito gamit ang sponge at patuyuin ang windshields gamit ang malambot na tela o paper towels.

Kerosene
Ang kombinasyon ng tasa ng kerosene sa tatlong galong timba ng tubig ay mainam na ibuhos sa sasakyan at punasan ito gamit ang sponge. Hihiwalay ang ulan sa sandaling pumatak ito sa naturang sasakyan na nagpapalayo sa banta ng kalawang.

Hintaying lumamig ang sasakyan
Ang pagbabalak linisin ang mga sasakyan sa mainit nitong temperature mula sa maghapon nitong pagtakbo o pananatili sa direktang sikat ng araw ay maaaring magresulta sa mantsa ng sabon sa sandaling linisin ito.
Hintayin munang lumamig ang sasakyan bago ito linisin.

Huwag imaneho ng basa
Ang pagpapatuyo ng sasakyan mula sa hangin sa pagpapatakbo nito ay nag-iiwan ng ilang mantsa ng tubig sa exterior. Mainam kung patutuyuin muna ang sasakyan gamit ang malambot at tuyong tela bago ito gamitin.

source: Bulgar column: No Problem writer: Ms. Myra




Bookmark and Share




Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...