Skip to main content

Nakagagaling Ba Ang Antibiotic Sa Sipon? (Common Colds)



Dala ng pabago-bagong panahon ay maaari tayong makaranas ng sipon o common colds. Ang hirap nito lalo na’t kapag barado ang iyong ilong, napakahirap makatulog sa gabi. Ang ilan sa atin para mawala ang sipon ay iniinuman ng antibiotic tulad ng ampicillin? Pero mayroon nga bang epektibong antibiotic para sa sipon?

Ayon kay Doc Shane M. Ludovice, sadyang napakahirap magkasakit lalo na at paiba-iba ang panahon sa ngayon, uulan at pagkatapos ay aaraw, kaya hindi maiwasan magkasipon (common colds) lalo na kung tayo ay nasa labas at crowded ang ating kapaligiran. Mas nakakakuha tayo ng sakit kapag tayo ay nasa mataong lugar.

Ilan sa sintomas ng common cold ay ang runny nose o tumutulo ang sipon, baradong ilong, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, minsan ay may kasamang lagnat at pag-ubo. Ang ginagawa mo o ng iba pa sa atin na kapag may sipon ay umiinom agad ng antibiotic ay mali. Bakit? Kasi ang sanhi ng sipon ay virus at walang epektibong gamot laban sa virus tulad din ng sa hepa B, tigdas at chicken pox. Sayang lamang ang pera kung iinom agad ng antibiotic dahil wala namang magagawa o papel ang anumang antibiotic para sa sipon. Kaya ang ipinapayo lamang sa kanila na may sipon ay gawing maginhawa ang kanilang pakiramdam kaya makatutulong ang mga sumusunod:

Para sa runny nose, makatutulong ang antihistamine lalo na kung watery eyes at mainit ang pakiramdam ng mata.

Kung barado naman ilong, makatutulong ang alinmang decongestant.

Para sa lagnat at pananakit ng kalamnan, makatutulong ang paracetamol o ibuprofen.

Uminom ng maraming tubig at fresh juices hindi po iyong nabibili natin na powder juice.

Magpahinga at kung hindi naman kailangan, lumabas at mag-stay na lang muna sa bahay para ‘di makahawa pa ng iba.

Kung hindi nawawala ang sipon at umabot na ng 10 araw o higitpa at may grabeng ubo, may plema at nagdudulot ng pananakit ng dibdib sa labis na pag-ubo, kailangang kumonsulta sa doctor para ma-examine ka.
Source: Bulgars credits to: Sabi ni Doc 


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...