Skip to main content

Weight Gain- Tips Dapat Na Vitamins Para Tumaba



There are people who would want to gain weight but having a hard time on choosing which vitamins they need to intake? May ilan, marami nang nasubukan pero wa-epek pa rin sa kanilang body metabolism. Mayroon nga kayang tamang vitamins para ikaw ay tumaba? Ito ang ilang gain weight tips partikular na kung anong vitamins ang kailangan ng katawan para tumaba o meron nga ba?

Gain Weight Tips- What Vitamins Do You Need?
There are many types of multivitamins available to your nearest drugstore. Pero nais naming ipaalam sa inyo na ang mga ito ay pandagdag lamang ng resistensya sa ating katawan at panlaban sa stress at hindi pampataba. Minamantina lamang nito ang normal na function ng ating katawan. 

Moreover, there are Vitamin C, branded or generic that you can buy in the pharmacy. At tulad ng nabanggit, ito ay pampalakas lang din ng resistensya. Kung iyong babasahin ang nilalaman ng multivitamins, kadalasan ay may kasama na itong Vitamin C. Kung ang dahilan ng 'di mo pagtaba ay wala kang gana sa pagkain, may mga bitamina tayo na pampaganang kumain tulad ng Appetens at iba pang brand. May mga umiinom nito na tumataba at mayroon namang hindi lalo na kung mabilis talaga ang metabolism mo, na kahit gaano ka pa kalakas kumain ay hindi pa rin tumataba. May mga inumin din ngayon na naglalabasan sa shake preparation na nakadaragdag ng timbang. 

But even if you're not fat it does not mean that you are not healthy. Kapag tama naman sa height mo ang iyong timbang, bakit kailangan mo pa mag-worry. Hindi lahat ng matataba ay malulusog at hindi ibig sabihin na kapag payat ka ay hindi ka na healthy. Maraming tao ang mataba pero sakitin sila, kaya mas mainam pa rin na kahit hindi mataba, kung hindi ka naman nagkakasakit ay okay lang iyun. 

source: Sabi ni Doc Bulgar



Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...