Skip to main content

Fire Prevention-Tips Para Makaiwas Sa Sunog



Hindi na baleng manakawan huwag lang masunugan. Ito ang madalas nating naririnig kapag pinag-uusapan ng magkakapitbahay ang sunog. Dahil totoo nga namang kapag nasunugan ka ay para mo nang ipinanakaw ang buo mong kabuhayan. Kung takot kang masunugan, ito ang ilang fire preventon tips para makaiwas sa sunog:
Fire Prevention Tips
Throw your cigarette butts and use your cigarette lighters properly. Huwag ikalat kung saan saan ang upos ng sigarilyo upang hindi madampot ng mga batang malilikot. Kung naninigarilyo ay agad itapon ng maayos ang upos nang wala nang sindi. Tiyaking malinis at ligtas ang ashtray kapag magtatapon ng abo.

Don't smoke in bed. Huwag hayaang manigarilyo ang bisita sa higaan. Kung nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv ay huwag ding manigarilyo.

Stay away from candles or heaters if you're wearing big clothes. Huwag palalapitin ang mga taong maluwag ang kasuotan sa mga space heater o kandila dahil baka madilaan ng apoy ang madaling magsiklab na damit.

Stay your kids away from light up candles. Patayin ding mabuti ang apoy ng kandila pagkatapos gamitin. Ilayo ito sa mga batang malilikot dahil baka mapaglaruan.

Regular inspection of electric circuit. Laging ugaliin na i-check kung may sirang wires na dapat nang palitan dahil baka ito maging sanhi ng sunog.

Remind your kids to avoid from space heaters. Huwag pabayaan ang mga bata o malapitan ng mga alagang hayop ang space heaters. Tiyaking ang ilang appliance ay awtomatikong nag-off ng sandaling oras.

Invest for a fire extinguisher. Maglaan ng fire extinguisher sa mga high risk area ng tahanan tulad ng kusina, kwarto, sala at garahe. Eksaminin ang extinguishers kada taon para sa tamang pressure at expiration date.

Install smoke detectors. Tiyaking lahat ng palapag ng bahay ay mayroong detector. Mahalagang mayroon nito sa mga silid tulugan. Tsekin kada buwan ang smoke detectors at palitan ang batteries, at least once a year.

Install rope ladders or Fire escape. Maigi itong ilagay sa mga piling hagdanan ng bintana. Tiyakin na ang mga kapamilya ay alam gamitin ang hagdan at praktisin ito. 

Emergency escape planning. Magkaroon ng pagpaplano kung sakaling magkasunog. Pag-usapan ito ng pamilya at magpraktis ang lahat sa escape routes. Magkaroon ng isang lugar na magkikita-kita sa labas ng tahanan sa oras ng sunog. 

source: Bulgar


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...