Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies.
Seafood Allergy -Tips On What to Do? |
Para maiwasan, ipinapayo ang pag-iwas sa allergen (ex. talaba) na siyang nagdudulot ng allergy at kung di maiiwasan na kumain nito at hindi naman grabe ang allergy,makatutulong ang antihistamine tablet tulad ng benadryl o loratidine. Kung ikaw ay mapapakain sa labas at hindi mo maiwasan ang pagkain ng seafoods na na nagdudulot sa'yo ng allergy ay makabubuti na magbaon ka ng mga nasabing tableta.
Mayroon na nga ring self-injecting epinephrine (Epi-pen) na inirereseta ng ilang mga doktor na maaari mo agad i-inject sa iyong sarili o ilan sa kasama mo ang may alam mag-inject nito kapag nakaranas ka ng hirap sa paghinga at pamamanhid ng dibdib hanggang leeg sa allergy lalo na kung hindi agad maitatakbo sa hospital ang pasyente. source: bulgar-sabi ni doc-ni Shane M. Ludovice
subukan mo Lorexa QD mabisa tong gamot sa mga allergy tulad ng pangangati dahil sa seafuds X)
ReplyDelete