Skip to main content

Tips Para I-guide Ang Anak Na Music Lover



Ang pagkakaroon ng hilig ng isang bata sa musika o pagiging music lover  ay tunay ngang nasa lahi. At pwede itong ma-develop ng batang may talent sa music habang siya ay lumalaki lalo pa’t may gabay mo. Here are the tips on how you can guide your child to develop his or her talent in music.

Guide him to different type of music. Ihantad ang bata sa maraming uri ng musika. Pwedeng nahihilig siya sa tugtog ng biyulin, at cellos ng classic music. Ang drum para sa kanya ay isang pamilyar na tibok ng puso sa tenga. Kung nais nyang nagtitipa sa piano habang tuwang tuwa sa tunog, mainam ito.

Dance with your child. Sayawan ang paslit sa tugtog ng blue grass o country music. At dahil ma-eenganyo siyang sumayaw kapag parehong magulang ay sumasayaw din. Bumili sa music store ng gusto niyang musical instrument. Papiliin siya kung ano ang kanyang gusto; egg shaker, tambourines, bongos o cowbells.

Give them cheap musical instrument. Bigyan sila ng mga mumurahing instrumento gaya ng maracas, harpo at harmonicas.

Buy a second hand guitar or piano. Maaari ka ring bumili ng segunda manong gitara o piano at iparada ito sa loob ng bahay. Upang makapagpalaki ng isang batang mahilig sa musika. Ang instrument ay dapat na madaling magamit sa lahat ng oras.

Ask the school if they organize music clubs. Tanungin ang kanyang paaralan kung mayroon na silang nabubuong chorus o music club na pwedeng salihan ng iyong anak. Karaniwan sa programa ay nagsisimula sa unang taon ng elementary dahil karamihan ng bata ay mas gustong kumakanta. Kaya isali mo ang anak mo.

Enroll him to free instrument music program. Kung wala mang cello o byulin, maaaring matuto ang bata na gumamit ng pluta o trombone ng libre sa pamamagitan ng pagsali sa mga programang libreng binubuo para sa mga batang may hilig sa music.

Let your kids enjoy or attend music festivals. Ang pista na ito ay may iba’t ibang musical talent na tumutugtog ng regae, folk, jazz, blues, funk. Samahan din ang bata na gumawa ng sarili nilang nilikhang awitin o komposisyon habang ikaw naman ay nagsasayaw at nakikinig ng magagandang musika.

Listen to radio that plays classical music. Makinig sa klasikong public radio station para maging background music niya habang siya ay nagpipinta. Naka-eenganyo ang saliw ng musika at mas nakapagtatrabaho sila ng tahimik habang natatanggap ang style  ng music na naririnig nila.

Bring them to live band concert. Samahan sila sa band concert, musical at piano recital performance. Sa pamamagitan nito ay mahihikayat ang bata na gayahin ang mga estilo nito sa pagtugtog at matutulungan siyang makapag-praktis para ma-develop ang kanyang talent sa music.
Source: Bulgar credits to: Nympha Miano Ang



Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...