Kung takot kang ma-bondat o magmukhang buteteng laot sa laki ng iyong tiyan. Heto ang mga pagkaing dapat mong kainin para lumiit ang iyong tiyan. Here are some tips on what food you need to eat to flatten your tummy.
The yummy yogurt plays magic in your tummy. Ang probiotic
bacteria mula sa pangkaraniwang yogurt ay nakakatulong upang mapanatiling
malusog ang digestive system na nagbubunsod sa pagbaba ng insidente ng gas,
bloating at constipation na nakapagpapanatiling flat ng tummy. Mainam ang
pagkonsumo ng plain-flavoured yogurt na hindi nagtataglay ng anumang sugar.
The spicy red bell pepper is rich in anti-oxidant. Ang
maganda at matingkad na kulay ng gulay na ito ay punumpuno ng anti-oxidants
lalo na ng Vitamin C at beta-carotene na nakatutulong sa katawan ng isang tao
upang malabanan ang banta ng impeksiyon. Mainam din ito sa digestive system at
metabolism-boosters na nakatutulong upang bawasan ang timbang.
Rekomendadong Pampapayat |
The peppermint is good for your indigestion. Ang peppermint
ay nakababawas sa banta ng bloating at indigestion. Mainam na paghaluin ang
peppermint tea at ilang piraso ng mint leaves sa naturang tubig.
The green and leafy vegetables can prevent you from too much
intake of calories. Ang madadahong gulay ay mahusay dahil sa pag-iwas sa
calories kung saan puno ito ng nutrisyon, Vitamins A,C,K, folate, calcium,
iron, magnesium, potassium at fiber. Ang madadahong gulay tulad ng spinach ay
mahusay upang malabanan ang mga sakit at manatiling fit sa paboritong bikini.
The whole grain is a good alternative to rice and white
bread. Mahusay sa katawan ng tao ang whole grain kumpara sa carbohydrate tulad
ng kanin at white bread na tinatayang nakababawas ng tinatawag na insulin
response kumpara sa refined carbohydrate.
The olive oil is a good source of mono-unsaturated fats. Ito
ay mahusay na nakababawas sa banta ng paglaki ng bilbil at hindi madagdagan ang
calorie intake.
The apple cider vinegar is good for weight loss. Lumabas sa
pag-aaral na ang dalawang kutsara ng apple cider vinegar na ihahalo sa baso ng
tubig na kokonsumuhin sa araw-araw sa
loob ng 12 weeks ay mahusay para sa timbang ng gitnang bahagi ng katawan.
Source: Bulgar credits to: No Problem by: Ms. Myra
Comments
Post a Comment