Skip to main content

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin



Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies.
Seafood Allergy -Tips On What to Do?
Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dahil dito ay lumiliit ang daanan ng hangin kaya hirap sila sa paghinga, maaari rin itong magdulot ng matinding reaction sa balat at maka-trigger ng asthma. Kung hindi ito agad madadala sa ospital tulad ng nangyayari sa iyo, maaaring ikamatay ito ng pasyente. At ang emergency measure na ibinibigay agad ay ang pag-i-inject ng epinephrine hanggang sa bumuti na ang pakiramdam nito.

Para maiwasan, ipinapayo ang pag-iwas sa allergen (ex. talaba)  na siyang nagdudulot ng allergy at kung di maiiwasan na kumain nito at hindi naman grabe ang allergy,makatutulong ang antihistamine tablet tulad ng benadryl o loratidine. Kung ikaw ay mapapakain sa labas at hindi mo maiwasan ang pagkain ng seafoods na na nagdudulot sa'yo ng allergy ay makabubuti na magbaon ka ng mga nasabing tableta.

Mayroon na nga ring self-injecting epinephrine (Epi-pen) na inirereseta ng ilang mga doktor na maaari mo agad i-inject sa iyong sarili o ilan sa kasama mo ang may alam mag-inject nito kapag nakaranas ka ng hirap sa paghinga at pamamanhid ng dibdib hanggang leeg sa allergy lalo na kung hindi agad maitatakbo sa hospital ang pasyente. source: bulgar-sabi ni doc-ni Shane M. Ludovice 




Bookmark and Share








Comments

  1. subukan mo Lorexa QD mabisa tong gamot sa mga allergy tulad ng pangangati dahil sa seafuds X)

    ReplyDelete

Post a Comment