Naninilaw ba ang iyong katawan,mata at ihi pero wala ka raw hepa? Baka Fatty Infiltration of the Liver yan. Ano ito at ano ang Tips para sa mga taong may ganitong sakit?
Fatty Infiltration of the Liver |
Ang pagkain ng matatabang pagkain ay hindi nagdudulot nito. Halos walang sintomas ang fatty infiltration of the liver at kung mayroon man - ito ang mga sumusunod: Pagbaba ng timbang, abdominal pain ng upper right quadrant o sa ilalim ng rib cage bandang kanan at ito ay dahil sa paglaki,pamamaga at pagkaunat ng liver o atay.
Ang kirot ay maaaring maramdaman nang maraming beses sa isang araw o kaya ay madalang lamang at tolerable naman ito at ang panghuli ay fatigue o panghihina at mawawala lamang ito kapag magaling na ang ating atay.
Narito ang posibleng maging dahilan ng pagkakaroon ng fatty infiltration of the liver:
- Alcohol, sinasabing ang mga alcoholic o regular drinker ng alcohol ng may katagalan na ang siyang pangunahing sanhi nito.
- Medication tulad ng oral contraceptives, certain hormones, steroids, lalo na kung matagal nag-take nitong steroid maaari itong mag-cause ng fatty liver.
- Diabetes, maaari itong magdulot ng fatty infiltration ng liver kapag napabayaan ang diabetes.
- Obesity lalo na kapag sobra ang taba sa may bandang abdomen o tiyan.
- Mabilis na pagbaba ng timbang dahil sa crash diet na maaaring magresulta sa pagdeposito ng fats sa atay.
- Ilang sakit tulad ng ulcerative colitis,hepatitis C at Cronhs Disease.
Tips Para Sa May Fatty Infiltration of the Liver
Para sa pasyenteng may fatty infiltration ng liver, malaki ang maitutulong ng pagbabawas ng timbang kung obese at imantina ang normal na timbang nito, maliban pa sa pag-inom ng mga gamot laban sa cholesterol, ipinapayo rin ang physical activities o ehersisyo, iwasan ang lahat ng klase ng junkfoods at dagdagan ang pagkain ng prutas at mga gulay.
Malaki rin ang maitutulong ng liver detoxification tulad ng pag-inom ng juices at shakes na gamit ang mga gulay at prutas at hindi dapat lagyan ng gatas o anumang milk products.
Source: Sabi ni Doc ni Shane M. Ludovice M.D- Bulgar Tabloid
Nagustuhan mo ba ang
Tips Para Sa Mga Taong May Fatty Infiltration of the Liver?
Share and Like na Katoto
Comments
Post a Comment