Skip to main content

Kapag Nagpupuyat Ba Pwede Ng Magka-Acne?



Madalas ka bang magpuyat sa gabi para tapusin ang mga palabas na teleserye sa t.v o di kaya nama’y may proyekto sa skul na nais mong tapusin o trabahong kailangan mong ihabol sa deadline? Alam ninyo bang ang labis na pagpupuyat ay maaaring ikadami ng iyong acne sa mukha?


Bagamat walang direktang paliwanag o ebidensya tungkol sa pag-uungnay ng pagpupuyat sa pagkakaroon ng acne. Mayroon namang mga indirektang paliwanag na kapag tayo ay nagpupuyat ay nagdudulot ito ng acne sa ating mukha.

Ayon sa Livestrong at Buzzle, na kapag tayo ay nagpupuyat ay nababawasan ang pagpapahinga ng ating katawan o pagre-rejuvenate at ito ay magdudulot sa atin ng labis na stress, pamamaga, pagtaas ng insulin resistance at depresyon.

Ang stress ay isang salik kung bakit tayo nagkakaroon ng acne. Ang labis na stress ay makapagpapasigla sa adrenal glands na responsableng nagdadala ng androgens. Ang paggugol ng mga hormones sa ating katawan ay nagbubunsod sa pagbubuo ng acne. Ang stress ay naka-aapekto rin sa immune system, na nakapagpapabagal sa paggaling ng iyong acne.

Ayon pa sa ulat ng Journal of Clinical Endocrinology and Metabolism na ang kakulangan sa pagtulog ay nakapagpapadami ng cytokines inflammatory. Alam natin na ang acne ay pamamaga sa ating pores, malinaw na sa pagdami ng cytokines sa katawan ay nakapagbubunsod lamang ng pamamaga.

Idagdag pa rito na ang kakulangan sa pagtulog ay nakapagpapataas din ng insulin resistance. Hinahayaan nito ang ating katawan na makapag-prodyus ng maraming insulin. Ito ay dahilan din para magkaroon ng produksyon ng sebum (oil) na siyang nagdudulot ng inflammation na makapagpapadami lang sa ating acne.

Ang pagpupuyat ay may epekto rin sa ating mental at emotional framework na nagdudulot ng depresyon. Ang depresyon ay nagdudulot sa atin ng negatibong pag-iisip na lubos na nakaapekto sa kondisyon ng ating katawan- ang pagkakaroon ng hindi magandang kalusugan ay naka-aapekto sa healing ability ng ating katawan. Nagbibigay naman ito ng negatibong epekto sa paghilom ng acne.

Sinasabi ngang walang direktang epekto ang pagpupuyat sa pagdami ng acne ngunit ang mga salik na hatid ng kulang sa pagtulog ang dahilan para mabuo ang mga ito sa ating mukha.

Labis ka bang nagpupuyat at problemado ka sa pagdami ng acne sa iyong mukha? Ang kaalamang ito ay isa ng paalala sa iyo.
Source: medicmagicdotnet  


Comments

  1. yeah u right.. lage po akong puyat at problemado kaya po ang dami kong pimples.. salamat at nabasa ko ang inyong paalala na ito.. malaking tulong para sakin to.

    ReplyDelete
  2. Last week before mag-start ang final exam namin, konti lang ang acne ko. Pero ngayong linggo na ito grabe ako magpuyat hanggang 12nn to 1am ako natutulog tapos gigising pa ng 6am para pumasok. Tapos ngayon dumami na. :'(

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...