Skip to main content

Tips Sa Paggawa Ng Yema



Paborito ng pinoy ang matamis na Yema. Lalo na’t kapag umay sa kinain na tanghalian, ito ang masarap na pamutat. Kung ikaw naman ay naghahanap ng ekstrang pagkakakitaan, ang paggawa ng yema at pagtitinda nito ay isang magandang opurtunidad para ikaw ay kumita. Patok itong sideline lalo na’t ikaw ay maraming ka-opisina, o estudyanteng naghahanap ng extra income para may pang tustos ng tuition fee. Here are the ingredients and procedures on how to make Yema:


Sa ingredients, ito ang mga kailangan natin:

Anim na pula ng itlog
1 lata ng kondensada (396 g)
1 teaspoon ng vanilla essence
200 g ng asukal

Kakailangan rin natin syempre pa ng pampabalot. Kaya’t dapat mayroon din tayong iba’t ibang kulay ng cellophane paper, gupitin ito ng parisukat, mga 10x10 cm ang sukat. Gagamitin itong pang-wrap sa yema.

O hayan, ngayong mayroon na tayong mga sangkap sa paggawa ng yema. Simulan na natin itong gawin:

Una, gamit ang isang malaking palayok, paghaluin ang pula ng itlog, kondensada,at vanilla. Kailangan ay maigi ang pagkahalo nito

Pangalawa, pakuluan ito, dapat ay mahina lang ang apoy para maiwasan ang pagkasunog. Haluin ng dahan dahan.

Pagkatapos, kung nakikita mo ng pwede na itong bilugin ay palamigin na ito. Kapag malamig na, Bilugin mo na ito na may sukat na 2 to 3 cm in diameter.

Gamit naman ang isang maliit na palayok, gawing minatamis ang asukal (caramelized) sa mababang apoy hanggang sa ito ay malusaw.

Ihulog isa-isa ang binilog sa maliit na palayok na ito para mababad sa ginawang caramel. Kapag balot na ito ng caramel, isa-isa mo na itong ihango gamit ang toothpick. Itabi at palamigin na.

Pagkatapos lumamig, ay pwede mo na itong ibalot sa makukulay na cellophane.
Web source: Businessdiary


Comments

  1. Bakit ganun ayaw mag copy paste
    paano tuloy ako makagawa yan
    napakawalang kwenta toh
    June 19 2010

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...