Skip to main content

Extra Income: Paano Kumita Habang Nag-aaral

ADS 2019 update: Gusto mo bang kumita ng 5,000- 50,000 a week! Isang negosyong para sa lahat na kikita ka sa anim na paraan. Tara usap tayo sa fanpage na ito.


Problema talaga kapag bayaran na ng tuition fee at wala pang binibigay si mommy o daddy na pang bayad. Bukod sa mga assignment, projects at mga exam, aminin man natin o hindi, isa sa mga problema natin ang pera. Ang hirap ng kolehiyo ano? Pero paano nga ba tayo magkaka extra income kahit tayo ay nag-aaral pa? Heto ang ilan sa mga tips para kumita ka ng Pera:


1. E-loading Business. Maliit na puhunan lang ang kailangan at may e-loading business ka na. Kaunting impok lang ay may pang puhunan ka na. Walang lugi ang sideline na ito lalo na kung marunong kang magpalago ng maliit na puhunan at lalo pa kung marami kang kaibigan o kakilala na nangangailangan ng serbisyong ito. Sino nga bang pinoy ang walang cellphone, sa maniwala ka't hindi sa sampung pinoy, iisa lamang dito ang hindi marunong mag text. Extra income hindi ba naman?

2. Tuwing exam, pansinin mo kung ilang estudyante ang nanghihingi ng papel at nanghihiram ng ballpen sa'yo. Ang dami nila, kung magbibigay ka, ikaw na ang bayani. Pero kung marunong ka sa pera, hindi sa pagdadamot ay maaari ka ring kumita ng extra income kung ipagbibili mo ito. Magsimula kang mamuhunan sa pagbebenta ng yellow pad at ballpen. Extra income ulit.

3. Sa kolehiyo, marami sa estudyante ang naghahanap ng murang pagkain, kung ako sa'yo ay magsimula ka nang matutong gumawa ng masarap na sandwich at ipagbili ito sa iyong mga kaklase o ka-skulmeyt sa murang halaga. Isa pang extra income yan.

4. Mahilig kang magsulat? alam mo bang marami sa internet ang pwede mong pagkakitaan dahil diyan. Maaari kang sumali sa mga online article publishing website katulad ng Triond, Squidoo, Bukisa, Wikinut at marami pang iba. Maaari kang kumita sa mga advertisement revenue program gaya ng Nuffnang at Google Adsense at iba pang affiliate marketing program gaya ng Markethealth, Paydotcom, Click2sell atbp.

5. Ito pa, maaari ka ring sumali sa mga direct selling gaya ng Avon, Dakki, Natasha atbp. Matuto ka lang ng kaunti PR skills o kariñyo ay tiyak na magkaka extra income ka. Kaya mo ring gawin ang ginagawa ni Ma'am at Sir nung nasa elementary ka pa...hehehe...

6. At panghuli, bukod sa direct selling ay maaari mo ring subukan ang Network Marketing. Parang direct selling din ito, magbebenta ka ng produkto sa mga kaibigan mo. At kagandahan pa nito, ay may extra income ka pa kung mag-iimbita ka nang mga kaibigan na sasali. May alam akong networking business na pwede mong salihan ngayong 2019, matagal na siya at stable ang company. Hindi ka rin kikita sa recruiting dahil hindi ito ilegal o pyramiding. Lahat ng sales mo ay magbabase sa product selling. Pwede mo akong i-message sa facebook page na ito.

Hindi ka man agad yayaman. Extra income pa rin itong maituturing at makakatulong upang makapagbayad ka sa iyong gastusin sa pag-aaral sa kolehiyo. Isa pang maganda rito ay ang mga ito ay hindi abala sa iyong pag-aaral katulad ng mga trabahong may fixed na schedule. O ano pang hinihintay mo? Huwag mo nang ipagpabukas pang isagawa ang mga tips na ito at baka maunahan ka pa ng iba.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...