Sino ba sa atin ang hindi pa nakakatikim ng energy drink. Madalas pa nga'y gawing habit na ng mga Pinoy ang uminom nito para magkaroon ng stamina.
Ang energy drink ay madalas na inumin pagkatapos na mag-ehersisyo. Ang iba nama'y umiinom nito bago sila magtrabaho bilang pampagana at pampapaliksi sapagkat ito ang mga benepisyong pinaniniwalaan nilang hatid ng inumin na ito.
Pero alam ninyo bang may negatibong dulot din ang pag-inom ng energy drink sa ating kalusugan? Marami ng mga pag-aaral ang nagpatunay sa mga masamang hatid nito sa ating sistema. Ilan sa mga ito ay ang ss. ayon sa ulat ng LiveScience.
- Heat problem
- Panganib na ikaw ay makunan ( para sa mga nagbubuntis)
- Panganib na baka mas malulong sa pag-inom din ng alcohol.
- Panganib na baka malulong sa droga
- Impaired Cognition
Kitang-kita sa mga paliwanag na ito na may masamang dulot talaga ang pag-inom ng Energy Drink. Kung kaya naman, kung nais mong magkaroon ng sigla sa iyong araw-araw na gawain ay sumubok ka na ng iba pang alternatibo dito. Heto ang ilan:
- Tubig. Mas maigi ito kaysa sa energy drink na punong-puno ng caffeine na siyang nagdudulot pati ng dehydration. Mas maigi ang tubig dahil wala itong calories at mainam ito sa katawan.
- Green Tea. Maaari ngang may caffeine din ang Green Tea, pero hindi naman ito labis tulad ng sa Energy Drink. At saka, mas kilala ang green tea sa pagbibigay ng magagandang benepisyo sa ating kalusugan. Tulad ng mayroon itong antioxidant na panlaban sa cancer at atake sa puso.
- Milk Chocolate. Pinanunumbalik nito ang sigla ng isang tao lalo't kung kakatapos lang mag-exercise. Tiyak na isang magandang alternatibo ito sa enegy drink.
- Cherry Juice. Ang cherry naman ay natural na mayroong bitamina at minera na hatid sa ating katawan. Pwedeng-pwede mo itong gawing juice. Bukod sa masarap na, healthy pa't tiyak na mas mainam na alternatibo kaysa sa energy drink.
Iyan ang apat na alternatibo sa Energy Drink. Kaya nasa sa iyo na kung iinom ka pa ba niyan o hindi na.
source: medicmagic.net
Sabagay tubig naman talaga kasi pinakabase ng energy drink kung walang tubig di din yan mag-eexist.
ReplyDelete