Hindi naman ganun kahirap maging good husband sa iyong may bahay. Ang dapat mo lang gawin ay sundin ang iyong puso, konsensya, at gampanan mo ang iyong responsibilidad sa iyong asawa. Ilan sa mga Tips na iyong mababasa ay makakatulong upang maging matatag ang inyong pagsasama ni misis:
BE A GENTLEMAN
Karamihan sa mga babae ay gustong-gusto ang pagiging sweet ng kanilang mister. Kung ang iyong asawa ay ganun, ihanda mo na ang iyong sarili para mailabas ang iyong 17th century na manners tulad ng paghalik sa kanya bilang hello at goodbye, bitbitin ang kanyang mabibigat na dala, pagbuksan siya ng pinto at bayaran ang inyong date. Pero dahil ang mga babae ay medyo may topak, kung ayaw niyang i-treat mo siya ng ganun, huwag mo itong damdamin. Ipagpatuloy mo na lang ang pagiging sweet sa kanya.
HAVE RESPECT
Ang pagrespeto ay pagpapakita ng pag-unawa. Unawain mo na ang iyong asawa ay isang independent na tao at may ilang bagay na hindi niya gusto na inaayunan mo siya. Para maipakita mo ang pagrespeto sa kanya, tuparin mo ang iyong pangako, laging maging on-time, huwag kang mag-assume at palaging makinig sa kanyang sinasabi.
DON'T LIE
Gawin mong habit ang pagsasabi ng totoo. Tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang mararamdaman mo kung natuklasan mo na ang iyong asawa ay may itinatago sa'yo. Lagi mong sabihin sa kanyan kung saan ka pupunta kung nais niyang malaman. Kung sino ang iyong kasama o kahit anong nasa isip mo. Ang pagiging bukas at hindi pagsisinungaling ay nakagagawa ng isang magandang verbal communication na siyang magiging magandang pundasyon ng isang relasyon.
DON'T CHEAT
Ito ay isang uri ng pagsisinungaling. Matutuwa ka kaya kung malalaman mo na nagloloko ang iyong asawa? Kung may ka-affair, mag-isip kang mabuti at tanungin mo ang iyong sarili kung bakit ka nagpakasal sa taong ito in the first place. Kung mahal mo ang iyong asawa pero may gusto ka na rin sa iba, isipin mo kung gaano ito ka-unfair para sa kanyang side. Huwag kang maging selfish.
DON'T BE LAZY
Ang pagiging tamad ay isang major turn-off sa mga babae at isang bad habit na rin. Ang pagiging tamad ay 'yung paggawa ng isang bagay na alam mong gawin pero hindi mo ginagawa. Tulungan mo siya sa ilang gawaing bahay at surpresahin siya sa pamamagitan ng paglilinis kahit isang araw lang at ito ay makagagawa ng isang malaking pagbabago.
DON'T BE SELFISH
Lahat tayo ay may kapasidad na maging selfless. Ang pag-ibig ay nakapagpapalabas ng selflessness ng isang tao. Imbes na tinatanong mo ang iyong sarili kung anong magagawa mo para sa sarili mo, simulan mong tanunging kung anong mga bagay ang magagawa mo para sa iyong asawa. Gayundin para sa ikagaganda ng inyong relasyon.
Ito ang ilan pa sa mga Tips Para Maging Good Husband:
- Bawasan ang pagiging seloso
- Huwag manakit at kontrolin ang boses
- Gumawa ng paraan para gumaan ang kanyang pakiramdam
- Maging open ka sa iyong asawa. Nagpapakita ito kung paano mo siya pinagkakatiwalaan
- Ligawan mo siyang muli. Sapagkat mahalaga ang romansa sa isang relasyon. Lalo na sa buhay ng mag-asawa.
source: Bulgar credits to the writer: Denise Visto
Comments
Post a Comment