Kapag rainy season, tinatamad tayong magkikilos o lumabas. Ang iba, hate na hate ang tag-ulan...paano kasi hindi makagala o makaalis man lang ng bahay dahil sa baha. Ano nga bang pwede pang gawin umuulan. Ito ang ilang Tips para hindi naman boring ang rainy days.
- Subukang magluto. Marami kang bagay na maaari mong lutuin mula sa biscuits, cakes, buns, cookies hanggang sa mga ulam na tiyak kagigiliwan ng buong pamilya. Humanap ng cookbook at simulan ito.
- Maggantsilyo. Girly masyado ito kung titignan pero maaari din itong gawin ng mga lalaki. Marami kang maaaring magantsilyo tulad ng finger puppets, blankets, sock puppets etc. Subalit tiyak na kakailanganin mo ang tulong mula sa taong marunong gumawa nito.
- Magbasa ng libro. Maraming magagandang nobela riyan at ang iba rito ay tiyak na naroon lamang sa inyong bookshelf. Ang pagbabasa ay isang paraan ng pag-a-adventure na hindi na nangangailangan pang lumabas ka ng iyong tahanan.
- Magsulat ng istorya. Maraming paraan para ka makapagsulat, pwede kang gumamit ng computer, sa papel, o kaya sa typewriter. Mag-isip ng bagay na maaari mong maisulat at maaari mo itong mapagpatuloy sa susunod na umulan muli.
- Gumawa ng gawaing bahay. Maglinis at ayusin ang ilang parte ng inyong bahay na nangangailangan ng maintenance.
- Maglakad-lakad. Kung ikaw ay natatakot na mabasa, magdala ka ng payong. Pumunta ka malapit sa park o bumisita ka sa iyong kaibigan. Kung hilig mo nang kumuha ng larawan, dalhin mo ang iyong camera at magpicture-picture.
- Gumuhit ng larawan. Kung ikaw ay may hilig sa art, maaari kang magpinta o kaya ay mag-drawing. Maaari ka ring maghanap ng mga bagay sa inyong bahay na pwede mong lagyan ng art.
- Manood ng movie. Pamatay ng oras ang panonood ng TV at syempre, gayundin ang movie. Maaari kang mag-download mula sa internet o halungkutin mo na ang iyong baol.
- Humigop ng mainit na inumin. Gumawa ka ng isang tasa ng hot chocolate, tsaa o kape at i-enjoy ang malamig na panahon sa pamamagitan ng pag-upo sa sala.
source: Bulgar kolum ni Denise Visto
image source: webmd.boots.com
Comments
Post a Comment