Ito ang ilan sa healthy foods para sa mga babae. Nakakabawas ng stress, nakakabawas ng timbang at iba pa.
Dark Chocolate para makaiwas sa stress. Lumabas sa pag-aaral na ang kalahating onsa ng dark chocolate na may 200 calories ay nakapagpapalayo sa banta ng stress hormone cortisol sa katawan. Ang cortisol ay nagdudulot ng pansamantalang pagtaas ng presyon ng dugo kung saan ang madalas na pagtaas nito ay nagbubunsod sa depresyon, obesity, sakit sa puso at marami pang iba.
Mushrooms kontra cancer. Lumabas sa isang pag-aaral na ang mga girls na regular na kumokunsumo ng mushrooms ay 64% malayo sa banta ng breast cancer.
Ayon sa mga eksperto, ang mushroom ay nakababawas sa epekto ng tinatawag na aromatase, protina na nakatutulong upang makapag-produce ng estrogen na siyang pangunahing dahilan ng breast cancer.
Sardinas laban sa sakit sa puso. Ang maliliit ngunit malinamnam na isdang ito ay mainam na pagkunan ng Omega 3 acids na nakababawas sa banta ng implamasyon na posibleng magbunsod sa pagbabara ng ugat sa arterya. Nakapagpapaiwas din ito sa tsansa ng blood clot na siyang dahilan ng atake sa puso at stroke at nagpapanatiling malusog ang mga ugat.
Avocado para sa flat na tyan. Ang avocado ay mayaman sa monounsaturated fat na nakatutulong upang mabawasan ang timbang ng isang tao, kabilang na ang suliranin sa gitnang bahagi ng katawan. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong regular na kumokonsumo nito ay nalalayo sa banta ng paglaki ng kanilang tiyan.
Bell peppers para sa proteksyon ng mga mata. Ang tinatawag na age-related macular degeneration ( AMD) at katarata ay pangunahing dahilan ng panlalabo ng paningin, ngunit ang pagkaing mayaman sa lutein, zeaxanthin at Vitamin C tulad ng bell peppers ay nagpapanatiling matalas ng mga mata. Ang tasa ng berde, dilaw o pulang peppers ay dalawang beses na nagbibigay ng Vitamin C.
Whole grain pasta para sa sapat na enerhiya. Ang whole grain pasta ay punumpuno ng Vitamin B na nakatutulong sa katawan upang magsilbi itong enerhiya.
source: Bulgar No Problem ni Ms.Myra
Comments
Post a Comment