Nag-iisip ka marahil ng bagong lutuin ngayon. Heto subukan mo ang pagluto ng Beef and Broccoli.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhXBq9ujmKFjRYdN_iknRmpWULN8RGeTwo6Mjwz9xYleuUdj4wXstrLhDp4P3XIjJ8VuGLKyc1Sv03S7NFCA4WVYw9VVg0T0dXp3UWEtqCc1CSmIYx7drjeteFl3pQyD-0PdKhwngVGcGM/s800/tips+sa+pagluto+ng+beef+and+brocolli.jpg)
Ang mga sangkap na kailangan:
1/2 kilo lomo ng baka ( hiwaing manipis)
1 kilo brocolli ( hiwain ayon sa gustong laki)
2 kutsara oyster sauce
1 kutsara mantikilya
3 butil bawang ( dinikdik)
1 sibuyas (hiniwang pino)
1 tasa tubig (hauan ng 2 kutsara cornstarch)
Paraan ng Pagluluto:
- Igisa ang bawang, sibuyas at baka. Lagyan ng kaunting tubig, takpan at palambutin sa mahinang apoy.
- Kapag malambot na ang baka ay ihalo ang oyster sauce, mantikilya at 1 tasa tubig na may conrstarch. Haluing mabuti hanggang maging malinaw at malapot ang sabaw.
- Ihalo ang broccoli at ahunin.
source: Mga Luto Ni Nanay ni Arbe Jan Serafin
image source: tumblr
Comments
Post a Comment