Hindi naman linggid sa ating lahat na isa ang mga haponesa na may magagandang kutis at hubog ng katawan. Pero hindi naman ganun kadali nila ito nagawa. Sadyang mayroon lang silang trick kung paano ito gawin. Ito ang tips kung paano ginagawa ang Japanese Diet base sa Slim Secrets of Japanese People, ulat ng Nine MSN.
- Ibase ang iyong diet sa pagkain ng isda, soy, kanin, gulay at prutas. Ibig sabihin hindi naman puro fats ang makikita sa mga healthy food na yan. Ang mga japanese ay madalang kumain ng karne. Kung kaya naman nananitiling slim ang kanilang pangangatawan.
- Mas madalas din kumain ang mga japanese sa mga maliliit na mangkok. Tulad nila, kung gusto mong pumayat dapat na small portions lang ang pagkain mo. Hindi ka madaling tataba kung paunti-unti lang ang kain mo. Dapat na mabagal lang din ang pagkain at i-enjoy mo ito.
- Light lang din ang mga pagkain ng mga Japanese. Sa pagluluto ay gumagamit sila ng Canola oil na isang uri ng light oil. Ang paraan din ng kanilang pagluluto ay paglalaga, paggigisa, at pagpapakulo - dahil sa paraang ganito ay hindi nasisira ang mga substance ng pagkain. Iwasan din ang pagkain ng mga pinirito o baked na pagkain, dahil magdudulot lang ito ng bad fats na siyang makakasira lang sa iyong pigura.
- Mas maigi rin para sa mga Japanese ang pagkain ng kanin kada kakain ng tanghalian o hapunan kaysa sa tinapay. Mas nakakubusog kasi ang kanin at mas matagal kang gugutumin. Dahil dito, iniiwasan ng karamihan sa mga japanese ang pagkain ng tinapay o matatamis na snacks.
- Hindi rin mawawala sa ritwal ng mga hapon ang pagkain ng almusal. Nakapagbibigay ng enerhiya at nutrisyon ang almusal. Kaya naman hindi kataka-taka na ang mga haponesa ay nananatiling slim kahit kumain pa sila ng mga snacks.
- Habit na rin sa mga hapon ang page-ehersisyo Mahilig sila sa anumang uri ng physical activity at exercise gaya ng pagdya-jogging, cycling, badminton atbp. Gustong-gusto nila ang pinagpapawisan upang magkaroon ng isang malusog na pangangatawan.
Ikaw, gusto mo bang pumayat? Mag-japanese diet na upang ikaw ay magkaroon din ng katawang seksi na iyong maipagmamalaki.
source: medicmagic.net
image source: dissale.com
Comments
Post a Comment