Nais mo bang magluto ng chicken lollipop? Heto ang mga rekado at tips kung paano ito lutuin.
Ang mga sangkap na kailangan natin ay:
1 kilong pakpak ng manok
1 pakete ng mama sita's bbq marinade
2 pirasong itlog na binati
1 1/4 tasa ng all purpose flour
1 tasa ng bread crumbs
mantika pang prito
Paraan ng pagluluto:
- Hiwain ang mga pakpak sa kasu-kasuan at kayurin ang karne hanggang magpormang lollipop.
- Ibabad ang karne sa Mama Sita's BBQ marinade sa buong magdamag
- Pagulungin sa harina at itabi ng sampung minuto.
- Pagkaraan ng sampung minuto. Ilubog sa itlog at pagulungin sa bread crumbs at bayaan ng 15 minutos.
- Iprito ng lubog sa mantika
- Ihain ng mainit.
Hayan, may masarap na chicken lollipop ka na. Tiyak na magugustuhan 'yang pambaon ng iyong asawa sa opisina o 'di kaya ng mga chikiting mo sa eskwela.
source: Mga Luto ni Nanay ni Arbe Jan Serafin
image source: eatat99.com
Comments
Post a Comment