Para sa isang masarap na Pork Asado Recipe. Ito ang mga sangkap na kailangan mo:
1/2 kilo karne ng baboy ( hiniwang pakuwadrado)
1/2 kutsarita asin
1 kutsara cornstarch
1 tasa tubig
1 lata ( 234 gms) pinya chunks ( pinatulo)
1 tasa pineapple syrup
1/2 tasa singkamas ( hiniwang pakuwadrado)
1/2 tasa frozen green peas
3 kusarita toyo
2 kutsara asukal
Ito ang Tips Sa Pagluluto ng Pork Asado:
- Ihalo ang asin sa karne at isunod ang cornstarch
- Iprito ang karne at alisin sa kawali ang sobrang mantika kapag luto na.
- Ilagay sa kawali ang pritong karne at iba pang mga sangkap maliban sa pinya chunks
- Kapag luto na ang lahat ng sangkap ay ihalo ang pinya chunks at pakuluan pa ng 3 minuto
source: Mga Luto Ni Nanay ni Arbe Jan Serafin
image source: readtn.blogspot.com
Comments
Post a Comment