Ito ang mga pagkaing pangontra sa kabag o GASTRITIS.
Suha. Mataas sa water content ang prutas na ito. Binubuo ito ng 90% ng tubig. Ito rin ay mayaman sa fat burning enzymes.
Lettuce at Spinach. Ang berdeng dahon ng naturang mga gulay ay nagbibigay ng malusog na doses ng fiber,bitamina, at mineral na nakatutulong din sa banta ng acid indigestion, constipation, at urinary tract infections.
Peppermint at luya. Isa pang mabisang pangontra kabag ang mga ito. Ang mga ito ay pawang carminative herbs na nakatutulong upang mabawasan ang banta ng gas sa katawan na mas ma-eenjoy sa pag-inom ng tsaa. Ang peppermint at luya ay nakatutulong sa daloy ng tubig sa ating katawan.
Sili. Ang maanghang na herbs na ito ay nakatutulong upang mabawasan ang banta ng mataas na presyon ng dugo, stroke, at sakit sa puso. Ang maanghang na lasa ng sili ay nagpapabilis sa metabolismo maging ng pagpapawis at mismong pag-iwas sa kabag.
Brocolli at Cauliflower. Ang naturang gulay ay tinatawag na cruciferous na nagpapakawala ng estrogen sa loob ng katawan sa tuwing kinokonsumo para sa ligtas na eliminasyon ng mga pagkain sa loob ng katawan.
Pipino. Pangontra gastritis o kabag din ang gulay na ito. Ang gulay na ito ay hindi lang nagbibigay ng tamang nutritional value kundi nagsisilbi rin itong natural diuretic na nakatutulong upang maitaas ang urination at paglabas ng toxins mula sa katawan. Ang pipino ay mayaman rin sa sulfur at silicon na pumoprotekta sa kidney ng isang tao na pumapabor din sa maraming diet plans. at pag-iwas sa kabag.
Pinya. Ang tropical na prutas na ito ay tinatayang binubuo ng 85% ng tubig na kinapapalooban din ng enzyme na nagpapakawala ng protina, mainam sa digestion na nakatutulong sa pagtaboy sa banta ng suliranin sa tiyan.
Ikaw? Kinakabag ka ba? 'Yan ang mga tips pangontra kabag. Subukan ang mga pagkaing iyan, tiyak na lulubayan ka na ng gastritis na yan.
source: Bulgar No Problem ni Ms. Myra
Comments
Post a Comment