Ang pagbaha ay maaaring mag-develop sa loob ng ilang oras kaya maaari ka pang makapaghanda. Subalit, minuto lang ang kailangan ng flash floods na maaaring makasira ng inyong tahanan o kumuha ng buhay. Heto ang ilang tips para makapaghanda kapag may baha.
- Alamin kung ang lupang kinatitirikan ng inyong bahay o pinagtatrabahuan ay bahain.
- Antabayanan ang mga impormasyong makukuha sa radyo.
- Magkaroon ng emergency supply kit at itago ito sa lugar na madaling makuha ng bawat myembro ng pamilya.
- Gumawa ng evacuation procedure kasama ang buong pamilya.
- Gumawa rin ng communication plan kung sakaling dumating kayo sa puntong kailangan ninyong maghiwa-hiwalay sa kasagsagan ng evacuation.
- Alamin kung saan kayo maaaring magpunta kung kailangan ninyong marating ang mataas na lugar sa pamamagitan ng paglalakad.
- Kung may sasakyan ka, tiyaking mayroon kang sapat na gasolina. Gagamitin ninyo ito sa paglikas. Mag-expect na sa panahong ito ay mabigat ang trapiko.
Mga Dapat Gawin Kapag Bumaha
- Makinig sa radyo o manood ng TV para sa ilang impormasyon at instructions
- Kung kayo ay inatasang mag-evacuate, kunin ang mga mahahalagang bagay, patayin ang gas, elektrisidad at tubig at tanggalin sa pagkakasalaksak ang lahat ng mga appliance, gayundin na sundin ang tamang evacuation procedure.
- Kung hindi naman kayo inaatasang mag-evacuate, manatiling nakaantabay pa rin sa radyo at TV at makinig sa mga instructions. Maghanda sa pag-evacuate sa isang shelter o sa inyong kapitbahay kung sakaling pinasok na ng baha ang inyong lugar.
- Humingi ng tulong
Mga Dapat Gawin Pagkatapos ng Baha
- Makinig sa news report para makasiguro na ang water supplies ay hindi kontaminado.
- Huwag lumusong sa baha.
- Maging aware sa mga bumagsak na linya ng kuryente
- Iwasan ang mga daan na binaha dahil maaari itong mag-collapse.
- Mag-ingat sa pagpasok sa mga gusali at tahanan na binaha dahil maaaring may mga damage ang mga ito na hindi pa nakikita.
- Mag-linis at mag-disinfect ng mga bagay o kagamitan na nalunod sa baha dahil maaari itong magkontamina ng mga bakterya.
source: Bulgar kolum ni Denise Visto
image source: Brisbanetimes.com.au
Comments
Post a Comment