Skip to main content

Eggs Oats Peanut Atbp. - Mga Pagkaing Pampagana Sa KAMA


Ikaw? Nais mo bang ganahan sa kama? Para sa mas enjoy na pagsisiping ng mag-asawa. Kumain ng mga masusustansyang pagkain na ito na tiyak na mga pampagana sa romansahan ng mga magkatipan.



Eggs. Ang itlog ay simbolo ng fertility, mataas ito sa B Vitamins na nakatutulong upang mapababa ang stress level ng isang tao kasabay naman ng pagtaas ng kanyang libido.

Oats. Ang oats ay mayaman sa tinatawag na L-arginine, amino acid na maiko-convert sa nitric oxide.

Peanuts. Ang magnesium na makukuha sa almonds ay nakapagpapaiwas sa banta ng depresyon at stress na kapwa seryosong dahilan ng kawalan ng interes sa pakikipagtalik. Nakapagpapabuti rin ito sa level ng tinatawag na libido-boosting testosterone.

Asparagus. Ang masarap na gulay na ito ay mayaman sa Vitamin E na mainam para sa pagkakaroon ng sapat na sex hormones.

Sili. Maging ng iba pang uri ng peppers ay tinatayang nakapagpapakawala ng mga feel good endorphins.

Chicken. Maging ng pabo at baka na pumoprotekta sa dopamine at norepinephrine, brain chemicals na nagpapabuti sa sexual responsiveness ng isang tao.

Avocado. Ang avocado ay mayaman sa tinatawag na monounsaturated fat at zinc na nakatutulong upang magkaroon ng tinatawag na maayos na blood circulation at lust inducing hormones.

source: Bulgar No Problem ni Ms. Myra


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...