Skip to main content

Tips Sa Pagluluto Ng Nilagang Spare Ribs


Nais mo ba na magluto ng Nilagang Spare Ribs. Mas magana kasing kumain ng kanin kapag mayroong masarap at malinamnam na sabaw, hindi ba? O heto ang paraan kung paano ito lutuin.



Ang mga sangkap na kailangan ay:

1 Kilo pork spare ribs
1 Sibuyas na katamtaman
1 piraso patatas malaki( hiwang pakuwadrado)
1/4 Kilo Repolyo
10 piraso Baguio beans
5 tasa ng tubig
1 kutsarita ng asin
1/4 kutsarita ng pamintang buo
1/4 kutsarita ng vetsin

Paraan ng Pagluluto:
  1. Ilagay sa isang kaserola ang tubig, asin, spare ribs, sibuyas at paminta
  2. Kapag medyo malambot na ang karne, ihulog ang patatas
  3. Pagkaraan ng 3 minuto. Idagdag ang Baguio beans. Isunod ang repolyo at vetsin
source: Mga Luto ni Nanay 
image source: dindinstars.com


Comments