Para naman sa mga nagbabalak bumili ng camera. Ito ang ilan sa mga Tips Sa Pagbili nito at kung ano ang mga dapat mong isaalang-alang bago ka magbasag ng piggy bank mo.
Megapixel Ng Camera
Mas mataas na megapixel mas malinaw ang kuha ng imahe. 'Yung camera na mayroong 5 megapixel ay ayos na pero kung nais mo ng mas malinis na kuha ay bumili ka ng mas mataas pa dito kung may budget ka.
ISO
Ito ay tumutukoy sa kapasidad ng camera na kumuha ng malinaw sa madidilim na lugar. 'Yung mga camera na pwedeng i-adjust sa mataas na ISO ( mga 1600 pataas) ay malinaw ang kuha kahit pa nasa loob ka ng isang kwarto na may limitadong ilaw. Maigi ang camera na ito kapag balak mong gamitin sa mga gathering o okasyon na madalas ay sa gabi ginaganap.
Features
Syempre dapat na maging adaptable ang camera mo ayon sa iyong pangangailangan. Gugustuhin mo ba na gamitin ang iyong camera sa swimming party kung hindi naman pala ito water-proof? Dapat ay isipin mo kung ano bang kaya nitong ibigay sa iyo base sa kung paano mo ito gagamitin. Halimbawa pa: kung mahilig ka sa photography o photoshoot dapat ay DSLR ang bilhin mo. Kung gusto mo naman ng camera na madali mong mabibitbit kahit saan, pwede na sa'yo ang compact camera.
Package
Syempre bibili ka na rin lang, doon ka na sa may mga freebies o may accessories na kasama para sulit naman ang investment mo. Kung second-hand naman ang camera na bibilhin mo, dun ka na bumili sa almost brand new, tipong may box at alaga pa ang mga accessories ng camera kahit gamit na.
PRESYO
Ito syempre ang pinaka-importante pa. Kung bibili ng brand new, mas makabubuti na mag-canvass ka muna sa malls o tiangge bago bumili. Huwag impulsive sa pagbili. Dahil maaaring mas mura pala ito sa iba kaysa sa pinagbilhan mo. Kung second hand naman ang bibilhin, mas maiging mag-browse ka sa mga online classified ads ngayon dahil dun tiyak mayroong mga seller na nagbebenta ng kanilang camera na parang bago pa at higit na maganda at mura pa kaysa sa mga Tiangge.
KILATISIN
Dapat tiyakin na gumagana ang camera. Kung bago ang binili, tiyakin na sakop ito ng one year service and repair warranty. Kung second hand naman ay maging mabusisi bago makipag-deal sa kausap na seller. Tignan kung gumagana ang flash, ang auto-focus, kung may gasgas ang lens o ang dents atbp. Maging sigurista, dahil hindi naman basta-basta ang perang pinag-ipunan mo para sa pagbili ng camera.
Iyan ang Buying Tips sa Pagbili ng Camera na dapat mong tandaan para hindi maloko at magsisi sa bandang huli. source: Ayos Dito Dot PH Blog image credits to: molybdenumstudiosdotwordpressdotcom
Comments
Post a Comment