May mga uri ng cancer na mahirap tukuyin. Kung minsan, natutuklasan mo na lang ito kapag nasa malalang estado na. Isa na dito ang throat cancer. Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng throat cancer. Ilan nga sa mga ito ang labis na paninigarilyo at pagtotobako. Ayon sa Boldsky , ito ang ilan sa mga senyales ng throat cancer:
- Nahihirapan sa paglunok. Ito ang isa sa mga maagang sensyales ng throat cancer. Ang cancer ang siyang nagiging sanhi sa tumor sa lalamunan. At kung mayroon kang ganito sa lalamunan ay mahihirapan ka sa paglunok ng iyong mga kinakain.
- Nakakaramdam ka ba na parang may " rough surface" sa iyong lalamunan? 'Yung tipong hindi mo kayang baliwalain kasi ang hirap. Kung mayroon kang throat cancer, palagian mo itong mararanasan.
- Nagkakaroon ng pagbabago sa iyong boses lalo't kung ang cancer ay lumalagi sa iyong vocal cords. Agad na magpa-konsulta sa iyong doktor kapag mayroon ng pagbabago sa tunog ng iyong boses.
- Senyales din kapag manakit-nakit ang iyong lalamunan pagkatapos mong maka-recover sa pag-ubo. Huwag mong balewalain ito dahil isa ito sa mga early stage ng throat cancer.
- Isa pa sa mga senyales ng throat cancer ay kapag parang mayroong "popping sound" kang naririnig sa tuwing ikaw ay humihinga.
Iyan ang ilan sa mga senyales ng throat cancer. Nararanasan mo ba ang mga ito ngayon? Huwag pong matakot magpa-konsulta sa doktor para maagapan at mabigyan ng karampatang lunas. Bago pa lumalala ang kanser sa iyong lalamunan.
source: medicmagic.net
image source: voxxi.com
Comments
Post a Comment