Napatunayan sa masusing pag-aaral ng mga eksperto na ang pinakamaanghang na siling labuyo sa buong mundo ay may mabisang pangontra para makaiwas sa sakit na cancer. Bukod sa pagpapawis at pagluluha ang dulot ng pagkain ng HOT PEPPER na ito ay hindi ka magsisisi dahil mabisa itong pangontra CANCER.
Produkto ito ng Puckerbutt Pepper Company kung saan nag-cultivate ng init sa greenhouses para ma-develop sa loob ng ten years ang WORLD's Hottest Pepper.
Ang bakuran nito ay puno ng nuclear-grade pepper plant kung saan higit pa ang sukat ng anghang nito hanggang 5,000 scoville units at 300 beses na mas maanghang daw sa uri ng sili na japaleno.
Mula sa taon na ito ay nagawa ng kompanya ang pag-produce ng hanggang 17 milyong pounds ng hot peppers gayundin na pinipilit ng kompanya na makuha ang Guiness World Record para sa hottest chili.
Kasalukuyan ay agad na naging food craze ang hot pepper na tamang-tama na maging hot sauce na sa kabila ng pagiging maanghang o mainit ay mas nagiging popular sa karamihan.
Ang sobrang anghang o init nito ay nakatutulong sa pag-re-release ng dopamine at endorphin sa katawan at mangyari na ang nagaganap na burning feeling dahil sa pepper ay nag-a-activate sa capsaicin na siyang dahilan para ma-prevent o maiwasan ang sakit na cancer.
Kabilang din dito ang ilang hypothesis na ang madalas na pagkain ng naturang siling labuyo araw-araw sa loob ng 5 taon ay magiging daan para maging cancer free.
source: Bulgar credits to: Nic Gaoli
image credits to : australiangeographic.com.au
Comments
Post a Comment