Conjunctivitis ang tawag kapag naimpeksyon ang tinatawag nating Bulbar at Palpebral Conjunctiva at dahil dito, namamaga at namumula ang maliliit na superpisyal na ugat sa mata. Pwedeng virus, bacteria at allergy o granuloma ang sanhi ng sore eyes. Ang sintomas ay iba-iba rin.
Sa bacterial conjunctivitis, makararamdam ng pangangati o pag-iinit sa mata at parang may buhangin. Kapansin-pansin din ang pamumula at pamumutla ng mata. Ito ay nagtatagal ng hanggang 2 linggo. Mabisa ang chlorampenicol eyedrops o chlorampenicol eye ointment.
Sa viral conjunctivitis, mapapansin ang higit na pagluluha kaysa pagmumuta ng mata. Rito ay may lumalabas na subconjunctival hemorrhage ( mapulang-mapula ang mata dahil sa namuong pagdurugo sa mata) at may sakit na kulani sa harap ng tainga. Sinasabing walang tiyak na gamot para dito na pwedeng maglagay ng cold compress o uminom ng decongestant at kusa itong mawawala sa loob ng 1-2 linggo.
Mas mainam na ipakita mo ito sa isang eye doctor para makasiguro kung ano ang talagang problema ng iyong mga mata. Mahirap kasi na basta na lang tayong bibili ng kung anumang ipinapatak sa mata nang 'di sinasabi ng doktor.
source: Bulgar Sabi Ni Doc Shane Ludovice
image source: epidemiolog.ru
Comments
Post a Comment