Isa ito sa mga paboritong kainin ng buong pamilya kapag pumapasyal sa mga restaurant. Pero paano nga ba lutuin ang Beef Teriyaki. Subukan ang recipe tips na ito.
Ang Mga Sangkap
1 kilo laman ng baka ( hiniwang manipis na 3x3)
1 kutsarang luya ( ginadgad)
1 kutsarang bawang
1/2 tasa toyo
2 kutsarang asukal
1/8 kutsarita paminta ( durog)
2 kutsara cornstach
Madali lang ang paraan sa pagluto ng Beef Teriyaki. Sundin ang mga sumusunod na procedures:
- Pagsamahin ang unang 6 na sangkap at ilagay sa ref buong magdamag
- Pigain ang karne at ihawin. Itabi.
- Ihalo ang pinagbabaran at 2 kutsarang conrstarch, pakuluan habang patuloy na hinahalo hanggang lumapot at ibuhos sa inihaw na karne.
Tiyak na matutuwa si mister at ang mga chikiting sa masarap na beef teriyaki na iyong hain sa mesa. Abangan ang mas marami pang recipe tips dito lang sa Tips Ni Katoto. source: mga luto ni Nanay image source: 50thplate.com
Comments
Post a Comment