Para makatikim ang buong pamilya ng isang masarap na Pork Hamonado with Pineapple. Narito ang mga sangkap na iyong kailangan at kung paano ito lutuin.
Mga Sangkap
1/2 kilo pige ( hiwain ng manipis na malapad)
1/2 tasa asukal
2 kutsarita asin
1 guhit taba ng baboy ( hiwain 4 pahaba)
3 itlog binati at ipritong malapad
1 tasa pineapple juice
1 guhit atay ng baboy ( hiniwang pahaba)
Paraan ng Pagluluto
Mga Sangkap
1/2 kilo pige ( hiwain ng manipis na malapad)
1/2 tasa asukal
2 kutsarita asin
1 guhit taba ng baboy ( hiwain 4 pahaba)
3 itlog binati at ipritong malapad
1 tasa pineapple juice
1 guhit atay ng baboy ( hiniwang pahaba)
Paraan ng Pagluluto
- Paghaluin ang asukal at asin at ipunas sa baboy.
- Ilatag ang baboy, ilatag sa ibabaw ng baboy ang itlog. Ilagay sa gitna ang taba at atay, irolyo at talian ng leteng.
- Ibabad magdamag sa pineapple juice. Kinabukasan pakuluan sa pinagbabaran sa mahinang apoy. Alisin ang tali at hiwain 1 1/2" ang kapal bago ihain.
source: Mga Luto Ni Nanay
image source: bilogangbuwanniluna.blogspot.com
Comments
Post a Comment