Mula sa mga pinaghalong sangkap ng langis mula sa luya ( Zinigiber Officinale Rosc), kalamansi ( Citrus Microcarpa Bunge) at tamarind extracts ( Tamarindus indica Linn) ay makakagawa ng isang candy na formulated para maging mabisang preventive measure sa ubo.
Ito ang ilang sangkap ng cough candy yari sa mga herbal extracts na ito, na pinag-aralang gawin ng mga tagapagsaliksik ng ITDI.
8 g ng asukal
90 g ng glucose
1 g NH4Cl
0.05 g color
0.10 g menthol
2.5 grams powdered sugar
25 ml sugar
10 ml kalamansi juice
10 ml tamarind nectar
0.15 ml ginger oil
0.15 ml Ginger Oil
0.15 ml kalamansi oil
2.5 g magnesia powder
Ito naman ang paraan kung paano ang paggawa ng cough candy mula sa mga sangkap na herbal extracts:
- Haluin ang mga sangkap sa isang kawaling nakasalang sa apoy hanggang sa ma-dissolved; asukal, glucose, tubig, kalamansi juice, tamarind nectar, at food color. Hayaang kumulo at takpang maigi.
- Pakuluan hanggang 140C. Pagkatapos ay idagdag na ang NH4Cl. Mix and fold in menthol crystals at ang essential oils ( kalamansi at luya)
- Ibuhos sa pinaggamitang greased molder. Palamigin at alisin ang hulmaan. At saka haluaan ng powdered sugar at magnesia powder mixture.
- Ilagay na sa pakete. Ang batch na ito ay makagagawa ng 35 hanggang 45 na candy.
source: Businessdiary.com.ph
Comments
Post a Comment