Ang Pre-Menstural Syndrome o PMS ay sinasabing dulot ng sobrang dami ng estrogen (hormonang pambabae) at kakulangan ng progesterone ( ito 'yung klase ng hormone na inilalabas ng obaryo). Ang mga sintomas na kaakibat ng PMS, pisikal man o behavioral, na lumalabas sa kalagitnaan ng menstrual cycle ay nakakaapekto sa trabaho at pag-uugali at pagkatapos ay kusa na lang mawawala ang mga sintomas na naranasan.
Tinatayang 40 porsyento ng mga babae ay nakaranas na nito lalo na iyong nasa edad na 18 pataas. Ang mga sintomas ay iba-iba depende sa babae at narito ang ilang karaniwang sintomas na ikinabit sa PMS.
PISIKAL NA SINTOMAS:
- Pananakit sa dakong balakang
- Pananakit ng suso
- Pakiramdam na parang tumataba
- Pakiramdam na parang bunsol
- Pagbabago sa pagdumi
- Sakit ng ulo
- Pananakit sa dakong balakang
Marami rin itong kaakibat na psychological symptoms bukod sa mga nabanggit na pisikal na sintomas ng PMS.
Narito ang ilan na psychological symptoms:
- Iritable
- Panghihina o pagod
- Tensyonado
- Depressed
- Pagbabago sa ganang kumain
- Hindi makatulog
- Pagkawala ng konsentrasyon sa gawain at pag-iisip
- Pagbabago sa libido
Bukod sa nabanggit na sanhi, ang PMS din ay ang hindi tamang balanse ng estrogen hormone at progesterone hormone sa katawan at may mga teorya rin na ito ay may kaugnayan daw sa kakulangan sa Vitamin B6, sobrang prolactin hormone, sobrang baba ng level ng asukal sa dugo, pagkakaimbak ng fluid sa katawan, hindi wasto ang endorphin at marami pang iba subalit hanggang ngayon ay nananatili pa ring hindi klaro kung ano talaga ang sanhi.
Sa paggagamutan kailangang ikonsidera ang aspektong pisikal at sikolohikal ng PMS at bawat babae ay may kanya-kanyang sintomas o gamay pagdating sa gamutan.
Makakatulong ang mga sumusunod na Tips Sa May PMS:
- Regular na ehersisyo
- Analgesic ( mefenamic acid o ibufropen) pampaalis ng sakit ng ulo o sa puson
- Iwasan ang pagkaing maaalat, dagdagan ang mga pagkaing mayaman sa protina.
- Puwede ring uminom ng Vitamin B 6 araw-araw ( 200 mg kada araw) makatutulong ito para maalis ang sintomas ng PMS
- Diuretics o gamot na pampaihi, inaalis nito ang labis na asin at fluid sa katawan para maiwasan ang pakiramdam na parang bunsol at dapat ay 'yung pinakamababang dosis lamang ang inumin.
- Oral contraceptive pills
- Iwasan din ang pag-inom ng alak bago magpasimula ang regla.
source: Bulgar Sabi ni Doc Shane Ludovice
Comments
Post a Comment