Tag-ulan na naman kaya mapapadalas ang hirap sa pagbabiyahe dahil sa baha at ilan pang problemang hatid ng ulan. Ito ang mga Tips para sa mga commuters ngayong rainy season na sa Pinas:
BRING SLIPPERS. Numero unong kailangan ang tsinelas kapag umuulan. Habang nagbabalerina ka kasi sa putik o sa tubig, mapananatiling tuyo ang iyong sapatos kung ito ay gagamitin. Gayundin na tiyak na hindi ito masisira at hindi na ito kailangang linisin. Pwede mong iwan ito sa iyong opisina kung hindi mo kailangan. Dagdag pa rito, mas mapadadali nito ang iyong paglalakad, lalo na kapag lagi kang naka-high heels.
BRING EXTRA CLOTHES. Dahil wala naman talagang tiyak na makapagsasabi na bubuhos ang ulan, hindi mo rin alam kung kailan ka mababasa lalo na kung hindi mo hilig ang magdala ng payong. Sakit naman ang abot mo halimbawang basa ang iyong damit at nakatutok ka pa sa air conditioner. Sa ganitong pagkakataon, imbes na bumili ka ng panibagong damit, mas maiging magbaon ka na lang.
BRING AN UMBRELLA. Mas maiging dalhin 'yung maliit na payong at pwedeng i-fold. Lalo na para sa mga taong conscious sa pagdadala ng payong dahil hindi bagay sa kanilang outfit. Makatutulong ito lalo sa mga naglalakad habang nagco-commute. At kung ito ang iyong dadalhin, mas maigi kung ang iyong pipiliin ay 'yung waterproof para hindi ka mahirapan pang patuyuin ito kung ilalagay mo ito sa iyong bag.
WEAR WATER-RESISTANT JACKET. Iwan mo muna ang iyong sweater sa panahong ito. Kahit kasi natutulungan ka nito na maibsan ang lamig na iyong nadarama, hindi ka naman nito mapoprotektahan laban sa ulan. Maghanap ng jacket na gawa sa water resistant material o kaya may lining sa loob na may kakayahang panatilihing tuyo ang iyong balat o damit.
MAKE SURE YOUR CELFONE IS FULLY CHARGED. Hindi mo alam kung kailan ka mai-istranded o kailan mo kailangang tawagan ang iyong boss, ka-officemate o kamag-anak kaya dapat lagi mong tiyaking full battery ang celfone mo. Karamihan sa mga celfone ngayon ay may USB outlet, kaya kung halimbawang naiwan mo ang iyong charger, maaari mo namang isaksak na lang ito sa iyong computer habang ikaw ay nagtatrabaho. Bukod sa pantawag, mayroong flashlight ang karamihan ng cellphone na magagamit mo kung sakaling nawalan ng kuryente.
MAKE SURE YOU HAVE CELFONE LOAD. Aanhin mo naman ang fully charged na cellphone kung wala kang load na pantawag o pantext? Para sa mga hindi naka-line, mas makabubuti kung magpapaload ka bago ka pa man umalis ng bahay.
BRING WET TISSUES. Never mong maiiwasan ang mga talsik ng tubig ngayong tag-ulan habang naglalakad ka. Kaya naman para maalagaan mong mabuti ang iyong mga paa at maging komportable ka sa paglalakad, magdala ka ng wet tissues na pamunas dito.
STAY IN THE OFFICE. Kung malakas ang ulan sa labas o kaya ay mataas na ang tubig, no need ka nang sumulong. Huwag ka nang magdalawang isip kung magi-istay ka o hindi dahil ang kaligtasan mo ang nakasalalay dito. Kung alam mong hindi ka na makakauwi, 'wag ka nang mag-take ng risk.
STOCK FOOD. Mahirap ma-stranded sa gitna ng daan lalo na kung wala kang masisilungan kaya dapat na mag-stock ka ng pagkain pati na rin tubig kung sakaling gutumin ka.
BRING PLASTIC BAG. Kung susugod ka sa ulan, i-water proof mo ang iyong mga gamit, partikular na ang iyong mga gadget gamit ang plastic o ziplock bags. Sa pamamagitan nito, hindi ka manghihinayang at mapaparaning kung sakaling mabasa ang iyong bag.
CHECK RELIABLE UPDATES. Sa modernong panahon, hindi na pahirapan ang pag-alam kung trapik o hindi sa isang partikular na daanan. Bago ka umalis sa inyong bahay, pwede kang mag-online at tsekin ang site ng PAG-ASA o MMDA upang makakuha ng sapat na impormasyon. Makatutulong ito para malaman mo kung anong daan ang iyong iiwasan.
BRING MEDICINE. Kung medyo sakitin ka, tiyaking isa ang pillbox sa laman ng iyong bag. Punuin ito ng pain killers, antipyretics, antihistamines, at gamot para sa LBM.
source: Bulgar credits to the writer: Denise Visto
image source: flickr.com
Comments
Post a Comment