Bawal ang Pork? Eh paano kung katakam-takam ang luto? Hay, talagang hindi kayang tiisin ano, lalo't masarap ang pagkaluto nito tulad ng Fried Pork Tapa. Paano ito lutuin? Ito ang recipe tips natin ngayon.
Ang mga sangkap na kailangan:
1/2 kilo karne ng baboy ( hiniwang manipis na pahaba)
1/2 kutsarita paminta ( durog)
1/4 kutsarita vetsin
2 kutsara katas ng kalamansi
3 kutsara toyo
asin
asukal
mantika
Paraan ng Pagluluto:
- Paghaluin ang katas ng kalamansi, asin, paminta at asukal. Ibabad dito ang karne sa loob ng magdamag. Pigain ang karne pagkatapos.
- Iprito ang karne hanggang maging mamula-mula.
- Ihain ng mainit.
Ang dali hindi ba? Pwede rin itong i-negosyo at pagkakitaan kahit nasa bahay ka lang. Abangan pa ang iba pang recipe tips natin sa mga susunod na araw. Huwag kalimutan na i-follow ang blog na ito.
source: Mga Luto Ni Nanay ni Arbe Jan Serafin
image source
Comments
Post a Comment