Ang karaniwang sanhi ng Hepatitis A ay ang maruming tubig at pagkain. Kapag ang nagprepara ng inumin o pagkain ay impektado ng Hepatitis A, pwede ka ring mahawa nito. Kapag impektado na ng HEPA A, maaari ring mahawa ang iba pang kasamahan sa bahay at katrabaho kaya ipinapayo rin ang pagbukod ng plato, kutsara't, tinidor at baso.
Ang Hepa A ay gumagaling din makalipas ang dalawang linggo, 'di tulad ng Hepatitis B na may posibilidad na maging carrier. Ibig sabihin ng carrier, ay posibleng wala kang sintomas ng Hepa B subalit ang dugo mo ay positibo pa rin dito. Kung nagkaroon ka ng Hepa A. Magkakaroon ka na ng immunity sa Hepa A Virus. Ibig sabihin ay hindi ka na ulit magkakaroon nito subalit pwede ka pa ring magkaroon ng Hepatitis B, C, D at E.
Totoong walang tiyak na gamot para dito dahil virus ang sanhi ng sakit na Hepa A at B kaya walang antibiotics para dito. Ang gamot na ibinigay sa iyo ng doktor ay bitamina lamang para sa atay.
TIPS PARA MAKAIWAS SA SAKIT NA HEPA A
- Kumain at uminom lamang sa mapagkakatiwalaan na establishment.
- Iwasang makihati sa kinakain o iniinom ng taong impektado ng Hepa A
- Ugaliing magsabon at maghugas ng kamay
- Kumain ng lutong pagkain ( hindi hilaw o half - cooked)
- Ibukod pansamantala ang mga personal na gamit nila gaya ng plato, baso, kutsara, tinidor atbp.
- Magpa-inject ng gamma globulins bago o matapos ma-exposed sa virus, 'yun nga lang ay maiksi lamang ang epekto nito ( 3 hanggang 6 na buwan)
- Magpabakuna laban sa Hepa A
Kung sa Hepa b ang bakuna ay ibinibigay ng tatlong beses, ang bakunang Hepa A ay dalawang beses naman, ngayon at isang buwan pagkatapos. May booster dose rin ito na ibinibigay makalipas ang anim hanggang 12 buwan mula ng simulan ang bakuna. Ang proteksyong ito ay pangmatagalan.
source: Bulgar Sabi ni Doc Shane Ludovice column
image source:
Comments
Post a Comment