Ito ang mga sangkap at paraan sa pagluluto ng Chicken Caldereta. Handa ka na ba?
Sangkap:
1 malaking manok ( hiniwa serving pieces)
1 tasa suka + 1 tasa toyo
4 butil bawang (dinikdik)
1 kutsarita ground pepper
1 kutsarita rock salt
2 sibuyas ( hiniwa)
2 tasa tomato sauce
2 lata liver spread
2 malaking patatas ( hiniwa sa apat, ipinirito)
1 maliit na lata red pimientos ( hiniwa)
2 siling labuyo ( tinadtad)
1/2 tasa ginadgad na keso
mantika (pamprito)
Paraan Sa Pagluluto:
- Paghaluin ang manok, suka, toyo, bawang, paminta at asin. Ibabad ng 4 na oras. Ilagay muna sa refrigerator ang ibinabad na mga sangkap bago iluto sa hapon.
- Patuluin ang mga piraso ng manok at iprito hanggang sa pumula, itabi.
- Igisa ang sibuyas at ihalo ang pinagbabaran. Idagdag ang tomato sauce, liver spread, keso, siling labuyo at iba pang sangkap. Pakuluan ng 15 minuto kasama ang pritong manok hanggang lumambot.
source: mga luto ni nanay image source: bubblews.com
Comments
Post a Comment