Subukan mo itong Beef with Kangkong recipe at tiyak na uulit-ulitin ito ng buong family.
Mga sangkap:
1 1/2 tasa ng lomo ( tenderloin), hiniwa
1 kutsarita Mama Sita's Barbeque Marinade
2 kutsara mantika
1/2 piraso sibuyas ( hiniwa, tinadtad)
1/4 tasa tubig
3 bungkos kangkong
1/4 kutsarita paminta (buo)
2 kutsara harina ( tinunaw sa 1/4 tasang tubig)
Paraan ng Pagluto
- Timplahan ang karne ng Mama Sita's Barbeque at hayaan ng 30 minuto
- Igisa ang sibuyas at ang baka hanggang maging mamula-mula. Idagdag ang 1/4 tasa tubig.
- Kapag kumulo, idagdag ang kangkong at lutuin sa loob ng 3 minuto.
- Ihalo ang tubig na may harina, at huwag tigilan ang paghalo hanggang lumapot ang sarsa.
- Ihain nang mainit.
O hindi ba't ang daling gawin. Tiyak na mamahalin ka ng husto ni mister sa sarap ng iyong Beef with Kangkong. At para naman sa mga dalagang gustong magpa-impress sa kanilang boyfriend, subukan mo ang recipe na ito't tiyak na hindi ka mapapahiya sa kanya. O ano pang hinihintay...punta na sa kusina.
source: Mga Luto ni Nanay- Arbe Jan Serafin
image source: foodspotting.com
Comments
Post a Comment