Mula sa pinakabagong pagsusuri pagdating sa mga pagkain ay sinasabi na ang mga frozen na prutas tulad ng cherry, blueberry, raspberry, at strawberry ay nagiging sanhi ng sakit na Hepatitis.
Ang naturang mga prutas ay inilalagay sa package container at maingat na naka-sealed ngunit mangyari na nagiging contaminated din ng mga mikrobyo.
Kilala ang hepatitis na mataas na banta ng liver infection kung saan sa Turkey ay nakakumpiska ng mahigit 61,092 ounces ng mga plastic bag ng frozen organic fruits.
Matapos idaan sa pagsusuri ng Food and Drug Administration ang mga plastic bag ng mga frozen na prutas ay napatunayan nga itong positibo sa contamination ng virus na Hepatitis A at B ay posibleng maging malaking banta sa pagkakaroon ng outbreak sa maraming tao na bibili at kakain nito.
Sinubukan na i-recall sa mga merkado ng mga kompanya nito ang mga naturang produkto matapos magkaroon ng mga sapat na ebidensya na ito ay contaminated ng nakamamatay na virus.
Hindi naman masasabi na galing ang mga ito sa mga farm na gumagamit ng mga pesticide at iba pang chemical para sa mga organic product tulad ng gulay at prutas.
Kadalasan ang mga sakit ay maaaring maikalat mula sa isa at marami pang tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng contact sa infected na tao na halimbawa ay hindi gaanong nakapaghugas ng maayos ng kamay matapos gumamit ng C.R.
Gayundin ang pagkahalo sa mga contaminated na meat product mula sa mga bansa na may poor sanitation ay nagpapataas sa banta ng naturang sakit.
Mahalaga na maging updated ang mga consumer mula sa mga recall at practice ng healthy habit ng sa gayon ay mabawasan ang bilang ng mga nagkakasakit dahil sa contaminated na pagkain tulad ng mga frozen na gulay at karne. source: Bulgar credits to the writer : Ros Nalty
Comments
Post a Comment