Alam na ng lahat na ang pagiging overweight o sobra sa timbang ay hindi maganda sa kalusugan. At ayon sa bagong pagsusuri, na ang pagkakaroon ng excess fat sa bandang tiyan ay magdudulot pati ng iba pang sakit na mapanganib, ang cancer at ang sakit sa puso.
Ipina-CT SCAN ng mga researchers ang mga abdominal fat ng tatlong-libong Amerikano na nasa edad 50 hanggang 70. Sa pag-aaral na ito ay nasuring mayroong 90 kaso ng sakit sa puso, 141 kaso ng cancer, at 71 kaso ng mga namatay na. Kaya naman ayon sa kanilang konklusuyon, sinasabing ang pagkakaroon ng malaking tiyan ay pwedeng maging dahilan ng pagkamatay ng isang tao sa sakit na cancer at heart disease.
Kaya naman bago pa lumaki ang iyong tiyan ay subukan ng magpapayat o i-maintain ang normal na weight. Ito ang ilang tips para hindi ka magkaroon ng excess belly fats:
- Kumain ng mga prutas tulad ng melon, pinya, mansanas, kiwi atbp. Ito ang ipamalit mo sa meryendang iyong nakasanayan na tulad ng pagkain ng mga walang sustansyang chichiria.
- Kumain ng salad bago maghapunan. Maganda itong appetite suppressant.
- Sukatin mo ang iyong mga kinakain. Takalin ang kanin para hindi sumobra sa dapat na kainin lamang. Maiging mayroon kang mga kasangkapan na panukat at pantakal.
- Itigil mo na ang pagkain ng mga walang sustansyang pagkain at inumin tulad ng chips at mga soda drink.
- Para makontrol mo ang iyong appetite at upang hindi magkaroon ng malaking tiyan ay gumamit ka ng isang maliit na plato sa tuwing ikaw ay kakain. Ayon sa pagsusuri, sa paraang ito ay mapipigil mo ang pagnanais mong kumain ng labis.
- Palagiang magtabi ng sariwang gulay at prutas sa ref para ma-enganyo kang kumain ng mga masusustansyang pagkain.
Sa pamamagitan ng mga ito ay tiyak na liliit na ang iyong tiyan. Hindi lang iyon, maiiwas ka pa sa mga sakit na mapanganib tulad na lang nga ng cancer at sakit sa puso.
source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment