Isang masarap na handa sa tuwing may okasyong espesyal ay ang BEEF ROAST. Paano ba ito lutuin?
Ang mga sangkap na kailangan ay:
2 kilo pige ng baka
1 kutsarita asin
1/2 kutsarita paminta ( durog)
1/2 kutsarita bawang ( dinikdik)
2 kutsara luya
1/2 mangga hinog
2 kutsara mantikilya
1 kutsara Worcestershire sauce
1 kutsarita katas ng kalamansi
Paraan ng pagluto:
- Tusukin ng kutsilyo ang karne at kuskusin ng pinaghalong asin, paminta at dinikdik na bawang. Ilagay ang karne sa isang roasting pan. Itabi.
- Ilagay sa food processor ang ika-5 hanggang ika-10 na sangkap. Ito ang ipupunas sa pamamagitan ng brush pagkaraan ng 30 minuto na naihurno sa oven ang karne.
- Isalang sa oven ang karne na may 400F ng 30 minuto. Pagkaraan ng 30 minuto gawin 300F at punasan ng sarsa (#2) kada 10 minuto.
- Kung umabot na ang temperatura ng loob ng karne ng 185F pwede nang ahunin pagkaraan ng 10 minuto.
O hayan. Madali lang naman palang gawin ang BEEF ROAST. Tiyak na mabubusog na naman ang buong pamilya sa handang espesyal ni mommy.
Para mas marami pang recipe tips ay i-share o i-like ang post na ito. Salamat katoto.
source: Mga Luto ni Nanay - Arbe Jan Serafin
image source: bbcgoodfood.com
Comments
Post a Comment