Summer Vacation: Mga Patok Na Negosyo Tuwing Tag-init Sa Pilipinas

Saturday, February 18, 2012

Ang init na naman sa Pilipinas. Summer na naman kasi ngayong darating na Marso. Ang iba ay abala kung paano magkakaroon ng isang makabuluhang bakasyon. Habang ang iba naman ay busy sa pag-iisip kung anong patok na negosyo ang pwedeng pasukin ngayong buwan ng bakasyon.



Mga katoto namin, ito ang ilan sa mga pwede mong pagkakitaan ngayon Summer na sa Pilipinas:


  1. Photo and Video Services. Excited ang lahat magtungo sa mga beach, resort at kung saan saang bahay bakasyunan. Lahat nais magkaroon ng alaala sa kanilang summer adventures. Kaya naman malaki kumita ngayon ang mga negosyong nag-aalok ng photo and video services tulad ng camera and photography, pag-edit ng mga video coverage, editing ng mga litrato, souvenir photos atbp. 
  2. Facial and Skin Care Services. Sunburn, bungang araw, pagka-itim at pagkasunog ng mukha, iyan marahil ang mga hindi magandang resulta ng pagbabakasyon sa mga resort. Kaya naman marami sa mga Pinoy ang nagtutungo sa mga derm clinic para maipanumbalik ang dating ganda ng balat. Malaki ang demand sa serbisyong gaya nito tuwing summer vacation.
  3. Food and Drinks. Mawawala ba ang mga pagkain at inuming pampapalamig sa napaka-init na klima. Walang dudang ito ang tubong lugaw na negosyo ngayong bakasyon: Halo-halo, palamig, ice cream atbp.
  4. Home Renovation and Construction. Tuwing tag-init, marami sa ating kababayan ang abala sa paglilinis, pagre-renovate at pagpapaganda ng kanilang tahanan upang pag-sapit ng tag-ulan ay hindi ito maging abala at makaiwas sa maraming aberyang tulad nito. Malaki kumita sa panahon ng bakasyon ang mga negosyong may kinalaman sa home renovation. 
  5. Loading Business at Internet Services. Kung marami sa atin ang abala sa pagtutungo sa mga probinsya at bakasyunan, mahalaga sa mga pinoy ang komunikasyon. Kaya't importanteng negosyo ang e-loading at internet tuwing summer. 
  6. Tutorial Business and Summer Workshops. Ilan sa ating mga estudyante ang tumutungo sa mga workshops para i-enhance ang kanilang talento. Kaya't kung isa kang professional writer, dancer, singer, basta't may talento ka ay pwede mong ibahagi ito sa ating mga katoto at tiyak na kikita ka pa. 

Iyan ang ilan lamang sa mga patok na negosyo ngayong Summer. Kaya't kung nais mo ng extra pagkakakitaan ay subukan na ang ilan sa mga ito Katoto. Like us on FB
READ MORE - Summer Vacation: Mga Patok Na Negosyo Tuwing Tag-init Sa Pilipinas

Xmas Biz Tips: Mga Patok Na Negosyo Ngayong Pasko

Monday, December 12, 2011

Nais mo bang kumita ngayong pasko pero hindi mo alam kung anu-ano ba ang pwede at patok na negosyo ngayong holiday season. Ito ang ilan sa mga maaari mong subukan katoto.

  1. Christmas Gift Wrapping. Kung hilig mo ang magbalot ng regalo, magsimula ka ng gift wrapping services. Ang negosyong ito ay nangangailangan ng malikhaing pag-iisip. Kaya't kung napaka-creative mo ay maaari mo itong pagkakitaan. Pwede kang maningil ng per oras o per balot ng regalo. 
  2. Tree Decorating Services. Tradisyon na ng mga pinoy ang paglalagy ng Xmas Tree sa kanilang bawat tahanan tuwing sasapit ang pasko. Kaya't pwede mo rin itong pagkakitaan. Patok na negosyo ito lalo na't mahusay ang iyong imahinasyon sa pagde-decorate ng Xmas tree. Pwede mong gamitin ang kanilang mga supplies sa pag-dedecorate o mag-offer ng iyong sariling pandekorasyon para mas kumita ka. 
  3. Home Decorating. Bakit hindi mo pa itodo ang iyong negosyo. Hindi lang Xmas Tree Decorating service ang pwede mong pagkakitaan, maraming mga may-ari ng tahanan ang humahanap ng magagaling na tao na handang magbayad para lang maging makinang ang kanilang tahanan ngayong holiday season. 
  4. Fruit Cake Bar. Isa sa mga popular na christmas treat ang fruit cake bar. Kung may magic ka sa pagluluto, syempre isa pa rin sa mga patok na negosyo ngayong pasko ang pagkain at ito ang isa sa mga pwede mong ialok sa iyong mga kapitbahay,kakilala,kaibigan atbp.
  5. Religious Decor. Ito ang negosyo tuwing pasko na hindi maluluma. Hinahanap hanap ng mga tao tuwing pasko ang mga religious decor tulad ng holy family, mga anghel, nativity scene atbp. Kaya kung hanap mo ay mga item na pwedeng ialok ngayong pasko. Ito ang isa sa mga patok.

Dito sa Pilipinas pagpasok pa lang ng "Ber Months" pasko na. Kaya naman para sa ibang mahilig sa pagnenegosyo, ang holiday season na ito ay isang magandang opurtunidad para kumita. Ito pa ang ilan sa mga patok na negosyo ngayong pasko.

  1. Paggawa ng hamonado. Hindi nawawala sa tradisyong pinoy ngayong pasko ang paghahain ng ham sa mesa.
  2. Cellphone Loading Business. Komunikasyon sa pamilya ay napakahalaga ngayong pasko kaya boom na boom ito. Mura na ang puhunan sa loading business, patok pa at sigurado ang kita. 
  3. Christmas Card Business. Mahusay na talento at malikhaing pagiisip ang kailangan mo para kumita ka ng husto rito ngayong pasko.
  4. Cellphone Accessories. Humanap ng mga cellphone bling bling o cellphone pouches na akma sa pasko. Marami nito sa divisoria na tiyak ang kita pero mura lang ang puhunan.
  5. Event hosting. May boses ka at karisma, pagkakakitaan mo ito kapag may Xmas Party.
  6. Puto Bumbong at Bibingka Business. Aba'y hindi pwedeng hindi papatok ito sa pasko lalo na't magaling ka sa pagluluto nito. Tiyak na dadami ang suki mo.
  7. Chocolate at Kendi. Malapit sa mga bata ang mga ito. Kaya pwedeng pwedeng sideline ang pagtitinda ng mga ito ngayong pasko.
  8. Lechon. Hindi mawawala sa hapagkainang pinoy ang pagkaing ito. Negosyong swak na swak ito ngayong pasko.
  9. Pansit Business. Simbolo ng mahabang buhay para sa mga pinoy at tulad ng iba pang lutuin, ito ang hinahanap hanap ngayong pasko.
  10. Food Catering Business. Marami sa mga pinoy ay wala ng panahon para magluto pa ng mga pagkain ngayong pasko kaya'y patok ang food catering business ngayong pasko.

O hayan katoto. Mamili ka na kung alin sa mga ito ang nais mong pagkakitaan ngayong pasko. Positibong pananaw at determinasyon ang magbibigay sa'yo ng isang matagumpay at patok na negosyo hindi lang ngayong pasko kundi sa buong taon. 


READ MORE - Xmas Biz Tips: Mga Patok Na Negosyo Ngayong Pasko

Tips Para Hassle-Free Ang Xmas Shopping

Marami ka bang inaanak na dapat ay regaluhan ngayong pasko? Ito ang tips para sa hassle-free na X-mas Shopping.


  1. Gumawa ng listahan. Makatutulong ang paggawa ng listahan ng mga dapat regaluhan ngayong pasko. Ilista sa isang papel ang mga pangalan nila. I-categorize mo para mas mainam. Listahan ng kamag-anak, inaaanak,kaibigan, kapamilya etc. Mas maigi rin kung ilalagay mo ang item na iyung ireregalo at ang budget mo para sa mga ito pati na kung saan mo ito bibilhin. Remember to stick with your budget, dalhin lang ang saktong pera na nakalaan para sa mga ito para hindi ka ma-carried away sa pamimili at gumastos ng higit sa budget na inilaan mo para sa mga reregaluhan.
  2. Take advantage of the Mall Promos and Sale. Hindi lang sa divisoria mura ang mga item. Maging sa mga boutique nang mall din. Kesa makipagsisiksikan sa tiangge ay mas mainam na maglibot libot sa mall lalo na't may sale o mga promos. Mas me kalidad pa ang iyung mabibili at kung minsan ay mas mura pa kesa makipag-tawaran sa Divisoria o Baclaran.
  3. Bumili ng Wholesale. Kung magreregalo sa isang grupo, mas maigi ang wholesale kesa bumili ng iba-iba pang item. Hindi ka lang makakatipid sa oras, pati na sa pera dahil mas mura mong mabibili ang mga ito.
  4. Humingi ng Wishlist. Tanggapin mo na ang ilan sa iyung mga reregaluhan ay mapili sa regalo. Kesa mapahiya ka, maaari kang humingi ng wishlist sa kanila. Sa ganitong paraan alam mong magugustuhan nila ang iyung regalo. Hassle-free hindi ba.
  5. Patok pa rin ang Monito-Monita. Tradisyon na ito ng mga Pilipino, kris kringle ika nga sa ibang bansa. Sa paraang ito, makakatipid ka sapagkat hindi mo na iisipin na regaluhan pa lahat ng iyong kamag-anak kundi kung sino lang ang iyong monito o monita. (source: article by Monique Lachica Abs Cbn News)

Hassle-free xmas shopping. Ito na nga. Mas maagang pag-sho shopping mas hindi ka stress ngayong pasko. Kami katoto, tapos na sa aming pamimili. Ikaw ba? Tandaan na ang pinakamahalaga sa lahat ay ang magplano ng maaga at gawin ito ng maaga. Happy Xmas shopping

READ MORE - Tips Para Hassle-Free Ang Xmas Shopping

 
 
 

Katoto Is Proud To Be Pinoy

Proudly Pinoy!

Every Visitor Counts

Partner