Skip to main content

Posts

Showing posts with the label tsaa sa diabetes

Mabuting Dulot Ng Black Tea

Maraming tao ang nag kukumpara sa kakayanan ng black tea at ng green tea. Ayon sa pag aaral, ang mga tao na may type 2 diabetes ay mababa ang bilang sa mga syudad na umiinom ng black tea. Ang pagsusuri na ito ay sumusuporta sa dating pag aaral na ang black tea ay nakakapag pababa ng risk na ang tao ay magkaroon ng sakit na diabetes. Ang Ireland ang nakapagtala na pinaka gumagamit ng black tea(mahigit sa 1.8kg kada taon ang nagagamit bawat tao), sumunod dito ang UK at Turkey. Ang mga bansa naman na madalang gumamit nito ay ang  South Korea, Brazil, China, Morocco at Mexico. Ang resulta sa pagsusuri, ang mga bansa na laging gumagamit ng black tea ay pinakamababa sa mga bilang ng may sakit na diabetes. Ang black tea ay naglalaman ng flavonoid complex na nagdudulot ng mabuti sa katawan ng tao. Ayon sa International Diabetes Federation, ang bilang ng mayroong type 2 diabetes ay 285 million noong 2010 at inaasahang magiging 438 million sa 2020. Source: medicmagic.net